Na meet ko po ang fiancé ko 5 years ago. Sinabi nya sakin umpisa pa lang nung niligawan nya ako na married sya pero nag cheat sa kanya ang wife nya at nagkaron ng anak sa ibang lalake. Nagtatrabaho po kasi sa USA ang fiancé ko kaya nagkaron ng karelasyon ang asawa nya na nasa pilipinas. Dahil sa pangyayaring yun, naghiwalay silang dalawa (totally walang connection/communication). Nag imbestiga ako sa hometown ng wife nya and na find out ko po na dalawa na po pala anak nung babae sa ibang lalake. Pati mga taong nakausap ko alam po nila ang nangyari sa fiancé ko at ng wife nya. Nabanggit din ng mga kamag anak ng babae sakin na gusto na rin nung wife ng fiancé ko na ipa annul ung kasal nila para mapakasalan nya ung lalakeng kinakasama nya ngayon.
Kahit po nasa America ang fiancé ko, wala po siyang naipon dahil nabaon po siya sa loan and credit cards nung sila pa ng wife nya. Wala pong sinisekreto sakin ang fiancé ko pati bank accounts nya binigay sakin ang password online kaya nachicheck ko din kung magkano lang talaga ang pera na natitira sa kanya, in short, sa tingin namin di po enough yung pera para mapa annul nya yung kasal nila.
Pero dahil po nagging American Citizen na sya ngayong taon, gusto na po nya akong kunin at dalhin sa America. Nag woworry po kami na dahil di pa annul ang kasal nila ng ex wife nya eh maging problema po namin yun pag kukunin na nya ako, baka nga po masilip ng embassy na kasal sya sa pilipinas.
Willing naman po yung asawa na I annul ang kasal nila ng fiancé ko ang problema lang namin kung magkano kaya (kahit estimated amount) po ang dapat naming ihanda para matuloy ang annulment nila. And since na both parties po eh nag aagree sa annulment, gano po katagal yung proseso?
Maraming salamat po atty.