so kinausap ko po yung supervisor ko kung pwede umuwi na lang ako kase di ko pwede gawin yung pinapagawa nila or else i will be penalize. sabi nya hindi daw pwede kase mandatory ot daw yun. tinanong ko kung ano gagawin ko. ang sabi nya mag "housekeeping" na lang ako. ang sabi ko po kung ma explain nya base sa labor code na yung housekeeping ay ma justify yung necessity for mandatory ot i will comply, else i will exercise my right for a rest day. ang reply nung supervisor:
"...wag mo nga ko pagpipilosopohen! anung law ka dyan? kung gusto ko patayuin kita or paupuin kita maghapon, di ka pwede umuwe, mandatory nga eh".
dahil napansin ko na di na siya makikinig sa reason at ayoko naman mapahiya or umabot sa malala yung sitwasyun, umalis po ako. pinababalik nya ako at sinabi bibigyan nya ko disciplinary action. punta sana ako sa HR kaya lang rest day ng HR nun kase linggo.
insubordination ba yung ginawa ko? thanks