Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

legal separation

Go down  Message [Page 1 of 1]

1legal separation Empty legal separation Tue Mar 19, 2013 12:12 am

neder72


Arresto Menor

magandang gabi. hihingi lang po ng payo kung panu at saan pwede lumapit para kumuha ng agreement ng wala ng pakialamanan ang mag asawa, wala pa po kasing budget para mag file ng legal separation or annulment. ikinasal po ako nung 1985 sa dahilan na pinikot lamang po ako, pinuntahan kasi ako ng babae sa bahay at ayaw na umuwi. dahil sa kahihiyan eh napilitan ang mga magulang ko na ipakasal ako kahit may girlfriend po ako. dahil katatapos ko lamang ng college nun eh wala ako nagawa kundi ang sumunod sa mga magulang ko kahit wala naman pong nangyari sa amin ng babae. after a year pa po bago kami nagkaanak at dahil lang sa kalasingan kaya nabuo ang bata. nagkahiwalay din po kami dahil sa sobrang pagka selosa. dahil taga probinsya, namagitan po ang mga ninong at ninang sa kasal kaya napilitan ako bumalik sa amin. nagpatuloy lng ang pagsasama namin na wala akong pagmamahal pero dahil wala na akong magawa eh hinayaan ko na lng na ipagpatuloy ang buhay sa piling nia kahit na napakadalas ng pagaaway namin. nagkaron po kami ng 3 anak at 2 na ngaun ang may asawa. lagi lamang po ako nagpapadestino sa malayong lugar kaya tumagal ng 27years ang aming pagsasama. pero sa ngayon eh gusto ko na po talagang makipaghiwalay sa kanya dahil grabe na ang pagseselos kahit na matanda na kami pareho. wala pong pagbabago ang ugali nia kahit ginawa ko lahat para lng di na masira ang pamilya namin. pero umabot na talaga sa sukdulan dahil pinalayas nia ako sa amin at sobrang masasakit na salita na ang naibato sa akin na di ko na kinaya. siya din ang naghamon na magpagawa na kami ng kasulatan na wala na kaming pakialamanan pero pagkapirma daw nia eh magpapakamatay sia. tama po ba un na may pagbabanta pa? sa ngayon po eh nakapagdesisyon na ako na tuluyan ng makipaghiwalay dahil di ko na kaya na sia ang makasama ko hanggang sa aking pagtanda. kanino po ba at saan pwede magpagawa ng kasulatan na wala na kaming pakialamanan, susuportahan ko na lng ang bunso naming anak dahil sia na lng ang nag aaral at walang asawa. ayoko naman pong mamatay na lang sa lungkot sa piling nia. mas gugustuhin ko na po mag isa kesa tuluyan makisama pa sa kanya. un pong konting pagmamahal na naramdaman ko eh tuluyan ng nawala. sana ay matulungan nio ako. salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum