Gusto ko lang pong malaman kung ano talaga ang purpose ng Notice to Explain (NTE)?
Kasi po nagkaron ako ng NTE dated February 7 pero nai-serve po sa akin ng February 8. Yung last date po ng late ko base sa previous NTE is January 24. Ngayon po na-serve-an ako ulit ng NTE (Final Written Warning) na nagsho-show ng mga lates ko dated February 1, 8, and 22.
Ang definition po ng "Tardiness" according to our handbook is "Three instances of tardiness in a rolling 3-month period."
Ang tanong ko din po, dapat po ba akong maging subject for this disciplinary action given na yung mga dates na indicated sa bago kong NTE are before nung date na na-serve yung previous NTE.
Vague po kasi ang process ng pagbibigay ng sanctions dun sa handbook namin. Wala din po akong makitang pwedeng magsuporta sa argument ko nung binasa ko yung Labor Code.
Gusto ko lang pong malaman kung dapat kong sagutin yung NTE dahil termination na po ang kasunod ng Final Written Warning.
Thank you po.