gusto ko po sana manghingi ng advice. hindi ko po kasi afford talaga ang kumuha ng mga legal advice, kaya masaya akong nakita ko itong website na ito.
nagpakasal ako may2005. naikasal kami dahil nabuntis ako. hindi ko alam kung gusto ba talaga ng asawa ko iyon o naawa lang sya. after naming maikasal sa civil, hindi kami talaga nagsama sa iisang bubong. sa ibang bahay ako nakatira at sya naman ay sa mga magulang nya nakatira. nagkikita lang kami para humungi ako ng supporta sa pagbubuntis ko,pero hindi rin ito nagtagal. after 3 months, august2005 nalaman kong may girlfriend ang asawa ko at simula nuon hindi na kami talaga nagsama, nagkita kami nuong nanganak ako ng november2005 and after that wala na. after 7years ngayon i think its about time na maiannul na ung kasal namin. ung girlfriend nya dati, sila parin hanggang ngayon may 2 anak narin sila sa huli kong balita a few years ago. alam kong gusto narin ng asawa ko na mapawalang bisa na ung kasal namin, para narin sa 2 anak nya ngayon. pero hindi ko na alam kung saan sya hahanapin. dahil aaminin ko nagtago rin ako, nag iba ng trabaho, lumipat ng lugar na malayo sakanilang lahat. hindi ko na alam kung nasaan sya, hindi ko narin alam saan sya kokontakin o padadalhan ng sulat. wala rin naman syang binigay na kahit na anong supporta sa anak namin, lumaki ung anak kong hindi rin sya kilala at nakita man lang. malapit narin mag 8 years na naghiwalay kami. valid na po ba ito bilang grounds sa pag annul ng kasal namin? pwede narin ba akong mag file ng annulment ng wala syang ka-alam alam? kung pu-pwede anong tawag sa ganitong ground ng annulment? hindi na po ba ito komplikadong kaso? tutal parang abandonment narin naman ang nangyari sa aming dalawa, iniwan nya kami ng walang explanation na kahit na ano. basta lang sya naglaho at nagsama na sila ng girlfriend nya at nagpamilya na sila.
sana po ay matulungan nyo ako, para din po magkaron na ako ng peace of mind at maipatuloy ang buhay naming mag ina ng wala na akong iniisip.
maraming salamat po sa time upang basahin ito. god bless!