Tanong ko lang po sana kung ano magandang gawin, ang HMO po kasi namin ay dineny ang coverage ng operation ng husband ko.
NAgpacheckup po ang husband ko sa surgeon then advice for operation sya ng hernia, so finax ko sa HMO ang kanyang med cert to know kung covered ung operation, based daw po sa med cert covered daw po, pero pag maiba daw ang diagnose after ng operation ay hindi macocover, so syempre tinanong ko po sila kung ano mga possible na exclusion or post operation diagnose para hindi macover, sabi lang po sakin basta daw maiba ung final diagnose, so after operation lumabas na indirect hernia (pero sa med cert po ng husband hindi po nakalagay kung direct or indirect) so sa room namin sa hospital dumating ung HMO representative, pinapirma ako ng form katunayan na pinuntahan nia kami (pumunta sya nung padischarge na kami) ininform nia kami na hindi covered tapos umalis sya, so kami pong magasawa ay nagworry dahil di namin alm kung san kukunin ang 40k na bill. Ang sabi naman po ng doc ng asawa ko ay hindi naman daw nabago ang kanyang diagnose, un lang sa final diagnosis naspecify na nia kung anu ung condition. Pwede ko po ba idemanda ang healthcard provider kasi hindi sinabi samin sa umpisa pa lang na hindi covered ang operation. (nung nagfax po ako ng medcert saknila, nireport ng representative nila na ung finax ko ay direct hernia kahit wla po nakalgay dun na direct hernia sya) kaya daw po initial evaluation nila ay covered. Ang hindi ko rin po matanggap ay ang pagiwan sa amin ng representative nila sa hospital ng hindi man lang iniisip kung makakauwi kami dahil wala kami pambayad, ang akin lang naman po kung nasabi sa amin sa umpisa pa lang na dalwang klase ung hernia at ung isa posibleng hindi macovered, hindi naman po kami magpapaopera agad kasi po wala namn po kaming ganung kalaking halaga, ngayon po ay nahihirapan kami kasi nagiinterest ung inutang namin 40k para lang makalabas kami ng ospital. PLease advise po on what we can do..Maraming salamat po