Ask ko lang po advice nyo regarding sa problem ng wife ko sa birth certificate nya..mejo mahaba ang kwento ko so pilitin ko na summary lang ang sabihin ko dito..anyway, ang issue namin is nalaman namin na 2 pala ang birth certificate nya..and ang problema is yung birth certificate na ginamit nya simula nung bata sha like sa school records and marriage certificate namin is yung original birth certificate nya na alam namin na tama..kaya lang nung kumuha kami ng nso copy ng birth certificate nya ay iba ang lumabas..iba sha dun sa version na ginamit nya simula nung bata sha..nun lang namin nalaman na 2 pala ang birth certificate nya..yung una is yung kinuha from their town pero hindi naman talaga sha don pinanganak and yung pangalawa is yung tamang version na kinuha dun sa town na totoong birth place nya..kaya lang since may rule sa nso na yung 1st registration ang dapat ihonor, yung maling birth certificate nya ang nagkaron ng nso copy..so yung ginamit nya pala since bata sha is hindi existing sa nso..and ang problema is yung naregister na copy ng birth certificate nya sa nso is madaming errors..
1. mali yung spelling ng name nya
2. mali yung date of marriage ng parents nya and
3. mali yung birthplace nya
meron na kami mga options na naconsider pero gusto sana namin humingi ng legal advice nyo if ano ang best option na dapat namin kuhanin.. eto yung mga options na sinabi samin nung nagtanong kami sa municipal office nila..
a. mag request for correction of mispelled name and incorrect date of marriage ng parents nya - ang downside lang dito is kelangan na namin gamitn yung birthplace nya na mali and magiging incosistent sha sa ibang documents like TOR, marriage contract, etc.
b. file for a Cancellation or Correction of Entries in the Civil Registry.. - if ito naman, i'm sure magiging lengthy ang process and it will cost a lot of money since it requires the service of a lawyer and there will be judicial hearings.. but if this will clear everything, willing naman kami na itake sha..gusto ko lang sana malaman magkano kaya ang magagastos namin all in all and gano katagal sha?
any advice will be appreciated. thanks in advance!
mj