Hello po Attorneys, nakabili po akoh ng second hand suv nung sept 2012 on installment basis for 2 yrs sa isang family friend. Pinakitaan naman po akoh ng diumano original copy ng rehistro, may purchase agreement din po. Kaso lahat po binigay nila photocopy lng nasa kanila yung original. Ayaw din nila magbigay ng deed of sale kasi nga daw hindi pa naman akoh fully paid. Yung agreed price poh namin 560k. Nag down na po akoh ng 300k tas nakapag install ng 50k. Gumastos din po akoh lagpas 100k paayos nung sasakyan. Netong jan. 30, 2013 po hinatak yung sasakyan ng sheriff at dalwang ahente ng bangko may bitbit po sila court order. Para po talaga akong pinagsakluban wala akong nagawa. Naka loan pala yung sasakyan tska yung rehistro pinakita sakin tampered. Kinontak koh agad yung nagbenta ang dami na alibi na kesyo may miscommunication diumano sila sa bank. Halata naman poh niloko niya akoh naturingan pa namang friend ng mother in law ko. Nagkasundo kaming sauli niya nalang lahat ng binayad koh at umabot sa 400k yung napagkasunduang ibalik niya. Pinangako niya nun mismo araw hinatak yung sasakyan na 2 equal monthly installments gagawin niya. 200k sa feb 20 at 200k sa march 20. Dumating po yung petsa feb 20 may tao po sila pinapunta dito pinabibigay 50k sakin. Hindi sila tumupad sa napagkasunduan na 200k inintindi namin sila naghintay kami kasi tao kami kausap. Sila na nga tong nanloko, sila na nag set kung pano gusto nila mangyari ang bayaran tas gaganituhin pa nila kami. Ano po pinaka maayos naming gawin? Sa totoo lng gusto koh lng makuha yung pera kaso ginagawa po nila kaming loko-loko. Halos isang buwan koh na po dala2x yung sakit sa loob yung ginawa nila, tulungan nyo po ako.