good morning po..mag inquire lang po ako on what to do sa nangyari sa asawa ko last night nung makabangga sya ng matanda na patawid sa may intersection ng east rembo and pa san joaquin? nagreklamo po yung anak sa brgy and nagpumilit na bayaran yung pan taxi pa ospital, at gamot na nireseta. wala po kaming maipambayad ng kabuuan kaya kami po ay nakiusap...ngunit ang masakit po, kahit na pumayag na sa feb13 ang naiwang balanse at huling magagastos sa check up that day, yun pong bisikleta na bagong bili namin ay pinaiwan sa brgy. hal ng east rembo...yung bike po na yun ay pinag ipunan naming mag asawa para nga di na mag commute ang asawa ko at ng makatipid...ngayon pong naka hold sa brgy hall ang bike? panu po kung di na makapasok at maaalis pa sa trabaho ang aswa ko? mas hindi po kami makakabayad sa balanse ng matandang nabangga...sa paa po ay may maliit na sugat ang matanda at sya po mismo ang nagsabi sa asawa ko na ok na, nakirot lang ang paa nya sa sugat..ang anak po nya ang nagpumilit na magreklamo sa brgy...wala naman po kami tlaga pambabayad ng malaki...nakapgbigay na po kmi ng cash na 300 at yung gamot ay 330...please help us p on what to do..thanks