Ganito po sir, ang senario,nakaroon po ng banggaan ang isang motorsiglo at bisikleta.wala po silang police report nagpunta na lang sila rito sa barangay para mag-usap at ayusin ang kanilang problema.Base po sa istorya ng driver ng bike,nauuna siya doon sa motor,ng mabangga siya nito ,sabi naman ng driver ng motor nailang siya dito sa bike kaya pag-iwas niya sumimplang siya at nagtamo ng mga sugat. pareho po silang may mga sugat.
Pareho po silang hindi taga rito sa barangay namin nangyari lang po ang accident sa lugar namin.suggest ko po sa kanila tutal wala namang grabeng pinsala mag-tulungan na lang sila sa pagpapagamot ng mga galos nila ayaw pong pumayag ng driver ng bike at sabi niya doon na lang daw ilipat ang kaso nila sa kanilang barangay tutal pareho naman silang nakatira sa iisang barangay.
Tama po ba sir na ilipat ko na lang sa kanilang barangay ang kanilang problema para mas madali sa kanila ang pagpunta sa kanilang barangay kung sila ay magkakaroon na muling paghaharap.
at isa pang tanong ko sir, sino po ba sa ganitong aksidente sino po ang mas liable ang bike o ang motorsiklo.
Salamat po sir sa magi-ging payo niyo.