Sa title ko po may unfair barangay mediator dahil sa akin po ibinigay yung paanyaya na sulat. Kaso po yung pangalawa at pangatlong sulat ay wala ang tatay ko sa bahay (nasa manila po, kami po ay taga Laguna). Nainform ko naman po siya through text. Ngaun po pangatlong paanyaya na at bukas po ng umaga dapat magaganap kaso po ngaung gabi lang nanaman po ibinigay at wala nanaman po ang aking ama. Sabi ko po sa kalihim na nagbihay ay kung maaari ay weekdays ganapin ang pulong para siguradong makadalo si papa. Sabi po ay WEEKDAYS pa naman ang SATURDAY (pasenya na po pero parang naasar ako sa kanya nung sinabi nya yun), tapos sabi pa po nya po sa akin payuhan ko daw po si papa na humingi na lang ng tawad dahil talo daw po siya dahil may batas daw po ngayon na talong talo ang mga lalake na nakapaloob sa womens rights.
Ang mga tanong ko po
1. Valid po bang ang unang reklamo na ipabarangay kahit 2streets ang layo ng complainant sa aming bahay?
2. Pag po ba may ganong complaint sa barangay ang mga barangay official po ba ay dapat magvalidate muna ng complaint bago tuluyang gumawa ng paanyaya?
3. Ano po ang pwede namin counter na gawin dahil nakakaabala na po yung complainant dahil wala naman din pong natatpos sa barangay na usapan?
4. Mali lang po ba ako sa aking nadama na unfair yung kalihim?