Magandang Araw po.
May katanungan po ako tungkol sa bisa ng kasunduan na ginawa lamang sa Barangay na Pirmado ng magkabilang panig at ng mga saksi at ng Punong Barangay, may nagsanla po kasi sakin ng Lupa sa Halagang 150,000 natapos na po ang aming kontrata ngunit hindi pa xa nagbabayad sa akin, at nabalitaan ko po na yung lupang nakasanla sa akin ay kanya na pong naibenta, may habol po ba ako sa lupang nakasanla sakin kahit ang pinanghahawakan ko lamang po ay ang kasunduan namin na ginawa sa Barangay?
Ano po ang mga hakbang na dapat kong gawin?
Maraming Salamat po.