Anim po kaming magkakapatid. Ako po ang kasama at nag aalaga sa nanay ko kaya po gusto ng nanay ko na ipamana sa akin at sa kapatid ko na nasa New York yung bahay at lote. Naipalipat na po namin ang title ng lote sa pangalan naming magkapatid. Nalaman po ito ng iba pa naming kapatid at sila ay naghahabol.
Fake daw po ang pirma ng tatay ko sa dokumento pero ang alam ko po ay walang pirma ang tatay ko sa pagpapalipat ng title ng lote. Ipinatatawag po kami ng kapatid ko nanaghahabol sa Attorney gusto akong kasuhan ng falsification of public document.
Ayaw po ng nanay ko na bigyan ng kaparte ang iba ko pang kapatid. May mga palayan at niyugan po silang ipinamana na sa aming magkakapatid. Ano po ang dapat gawin ng nanay ko para hindi na mabawi sa amin ang lote at bahay.
Salamat po. And More Power Sa Inyo.