Yung bayaw ko sinaksak ng lasing na kapitbahay last jan. 1 at dalawa silang nabikitima. Yung bayaw ko pinakagrabe muntikan ng mamatay. Tatlong organs ang natanggal dahil sa bleeding kidney,pancreas at spleen.. Nakasuhan ng double murder ung suspect recommended bail ay 200thou bawat isa..last week nakabail lang ng 250thou at malaya na sa area namin palaboy laboy na naman habang ung bayaw ko di makalabas ng ospital dahil umabot sa 140thou ung billing nia at di makabayad...ngaun nalaman ko sa asawa nia na galing sa PAO office ung suspect nakakuha daw sa PAO ng lawyer at di na kami pwede kumuha dahil naunahan na kami. Bakit yung suspect ay pwede nilang depensahan kng sino pang may kasalanan. Ang bayaw ko na kakagising lng nun dahil sa bagong taon at lumabas lng ng bahay para masaksihan ang paputok at ng makatalikod ay biglang sinaksak ng walang kalaban laban....
Free Legal Advice Philippines