Magtatanong lang po ako, kung me way na magamit ng tatay ko apelyido ng tatay nya pero illegitimate po sya. Nakuha nya birt cert nya sa local registrar, walang information ng tatay nya, sa nanay lang nya. At ung Full name nakasulat lang is ung first name nya. Sabi sa travel agency na pinuntahan namin, pag ganun apelyido ng nanay nya gagamitin. Kaso lahat ng documents ng tatay ko is gamit nya apelyido ng tatay nya. Baptismal certificate lang meron sya na naka indicate na anak sya ng lolo ko at lola ko. Pero wala naman pirma lolo ko sa baptismal.
Kukuha lang daw kami ng affidavit of same person. So sa lahat ng documents ng tatay ko passport lang maiiba kasi dun gamit nya apelyido ng nanay nya
Mag kaka problema ba un sa passport applcation pag sa ganitong scenario? Kailangan ko dalhin magulang ko dito sa SG para mag alaga sa kin sa pangananak ko, although short lang naman. Mga 3 buwan. Nag hahanap lang ako ng way baka pwede nya magamit apelyido ng tatay nya.
Salamat!