Bakit po napakahirap patunayan sa korte ang kasong adultery? Ako po ay kasalukuyang nagtratrabaho sa ibang bansa. Napag alaman ko po na buntis ang aking asawa sa ibang lalaki na naging kadahilanan ng aking agarang pagbalik sa bansa. Gumawa ako ng paraan para mapatunayan ang aking nabalitaan. Ako na mismo ang nakakita na buntis nga ito at sa wari ko ay kabuwanan na nya. Hindi nga ako nagkamali makalipas ang isang linggo nanganak nga ito ng sanggol na babae.
Dahil dito nagsampa ako ng kasong adultery. Ang hindi ko lang po maunawaan sa batas natin ay kung bakit hindi pa sapat ang mga nakalap kong ebidensya. Tulad ng tatlong kapit-bahay na witnesses na magpapatunay na buntis sya. Petsa ng araw ng kapanganakan nya at litrato ng sanggol na isinilang. At ako mismo na nakawitness dito.
Kaya ko po naitanong ito dahil sa harap ng korte sinabi nya sa amin na patunayan namin ang aming ibinibintang. Sya pa ang may lakas ng loob sa pagdeny at paghamon sa amin na patunayan ito. Sa kanyang counter affidavit ay itinanggi nya lahat ng aming ibinibintang.
Sinubukan naming kumuha ng record sa ospital na pinanganakan pero tumanggi sila at wala naman itong record sa city hall.
Meron pa po bang ibang paraan na maari kong gawin para patunayan lahat ng ito. Napakahirap paniwalaan pero nangyayari at totoo?
Ngayon ay nalaman ko na napabinyagan na ang sanggol at kasalukuyang naninirahan sa magulang kasama ang karelasyon at aking dalawang anak na babae.
Maari rin po ba itong gamiting dahilan para sa petition for custody ng dalawa kong anak at dahilang para magsampa ng annulment of marriage dahil sa kataksilan.