april_1980 wrote:@ EMERFECT and KBS
Nakakarelate ako sa inyong dalawa.I am not proud to be a mistress kasi may mga tao na hindi nila tayo maintindihan.pero like what AWV said,lahat ng mistress ay may kani kaniyang kwento.
I met the guy in our office, naging close friend kami kasi were both came from same province. I have a 12 years relationship  with my current bf that time. pero you know what? ipinagpalit ko yong 12 years relationship ko to a married man.sabihin nilang tanga ako, pero i don't care.
Nong umpisa kasi hindi namin alam ni Lowell na aabot sa ganito  ka-serious na relationship.
Hindi pa kami magkakilala, hindi na masaya ang pagsasama nila ng wife nya,minamaliit sya at walang respeto sa kanya kasi mas nakakaangat ng pinag aralan si wife,lage daw silang nag-aaway at nakikita nong anak nila.nagsabi na rin si Lowell ng saloobin nya sa asawa nya para ma-survive yong marriage nila,Pero nagbingi bingihan ang wife nya dahil sa taas ng pride. Na-witness  ko rin kung panu sya maliitin at laitin in front of many people na kakilala nya.
In short,iniwan ko yong bf ko and naging kami ni Lowell,Nakita ko kasi ang value nya,kung panu sya magpahalaga at magmahal na hindi nagawang ipakita sakin ng bf ko.Wala akong plan na agawin sya sa family nya.Share lang sya ng konting time for me masaya nako don.Gusto ko lang kasi na kahit konting oras maging masaya sya.We plan to have a child at nangyari naman pero kuntento nako sa situation namin.On my 5th month of pregnancy, nalaman nong wife ang tungkol sa amin. Pinalayas nya si Lowell at sakin tumuloy.Don na sya tumira sa bahay namin and syempre natuwa ako kasi kahit klan hindi ko naisip na magkakaron kami ng ganong chance.Nagkaron sila ng written agreement na wala na silang pakialaman sa isat isa..etc. and may signature ng mga witnesses nila.Every weekend sya dumadalaw at walang palya sa 1 nilang anak and hindi naman sya nagkukulang ng sustento.Ilang months ang nakalipas na ok ang lahat.Until dumating yong time na nanganak ako.paglabas ko ng hospital on that day, yong wife sumugod sa bahay ,sinampal ako at nag eskandalo.wala don si lowell kasi pumunta sa kanila para magbigay ng sustento at dalawin ang bata pero nagkasalisi sila.Nagalit si wife kasi ndi nakadalaw si lowell, eh nasa hospital ako non at nagbantay sya sakin .Pinablotter nya kami sa brgy.,after 3 days, pinatawag kami sa brgy.and pinablotter ko din sya for trespassing and assault.On the first day of hearing,inamin ni wife ang ginawa nya at ndi daw sya natatakot kasi may lawyer daw sya ,masyado syang mayabang.nag-sorry sya sakin nong nalaman nyang mabigat ang magiging kaso nya dahil sa ginawa nya sakin at gusto nya na e-close ko na yong case na yon.Actually naintindihan ko naman sya,hindi naman ako nagalit nong sinampal nya ko kasi deserved ko naman yon.sino ba ako para mag-inarte eh mas malaki atraso ko sa kanya kung tutuusin,pero sa harap ng mga taong andon ay sinisigaw sigawan nya si lowell at naawa ako sa kanya kaya hindi tuloy ako pumayag na e-close na yong case na yon on that day kasi wala pa naman kaming napagkasunduan don sa reklamong sinampa nya laban samin(pambababae ng asawa nya).Naniguro din ako syempre.kaya napagkasunduan na sa susunod na hearing na lang ayusin ang lahat,at planu ko na sa susunod naming paghaharap iuurong ko na rin yong reklamo ko sa kanya pag nagkaron na kami ng kasunduan at magsosorry din.Pero ndi umayon ang pagkakataon kasi hindi na kami pinadalhan ng letter ng barangay para ayusin yon,kaya nakapending yong case na yon.Nanahimik kaming tatlo for 4 months.Last month, pinakilala nako ng BF ko sa Family nya kasama ang anak namin,dinala nya kami sa province nila.Nalaman ko na hindi din pala nila kasundo yong girl kasi masyadong matapobre,kahit andon sila,pinapakita daw nya na sya ang nasusunod at hindi si lowell.Natuwa pa nga sila kasi naglakas loob na daw si lowell na iwan si wife nya.Pero sad kasi nalaman ni wife and nagalit uli. Kung ano anu pinagtetext sa bf ko.And nagfile sya ng case sa bf ko,nasaktan daw kasi ang pride nya kasi bat kailangan pa daw ako ipakilala.Gusto nya na bumalik sa kanila si lowell  kasi kong hindi ay ipapakulong sya at pinagbabawalan siyang ma makipagcommunicate pa samin.Ayaw pumayag ni lowell.I asked him kung gusto ba nyang bumalik sa wife nya at iintindihin ko na lang kesa mapahamak sya.Pero ayaw nya kaming iwan nong anak nya.Mas gugustuhin pa daw nyang makulong kesa bumalik sa asawa nya.Ganun nya ko kamahal kasi nakita din nya kung panu ko sya pahalagaahan na kelanman ndi nya nakita sa asawa nya.ito yong bagay na hindi ko pinagsisihan kasi kahit kabit lang ako,nakapagpasaya ako at nakapagbigay pa ng inspirasyon sa ibang tao na malapit nang mawalan ng pag-asang lumigaya,nakita ko kasi yong klase ng pagmamahal at pagpapahalaga  nya na hindi ko alm kung makikita ko pa yon sa iba.Ito yong bagay na sinayang nong wife,mas importante pa kasi yong pride nya at ayaw nya magpasakop sa asawa nya porque mas mataas pinag-aralan nya.
Nakipagmatigasan din sya sa wife nya,Pinakita nya na kahit anong pananakot gawin sa kanya ay hindi na sya talaga babalik at hindi na sya natatakot.Wala naman problema sa anak nila kasi mas gugustuhin ng bata na sakin na tumira ang daddy nya kesa sa bahay nila at lageng nag-away magulang nya.anytime naman kasi na kelangan sya nong anak nya ay pumupunta naman daddy nya. Sa ngayon ay hindi ko alam kung anong mangyayari,kung idedemanda kami ay alam ko naman na talo kaming 2 kasi si wife pa rin ang may karapatan,pero lalaban din ako para sa mahal ko.Itutuloy ko din ang kaso ko na trespassing and assault laban sa kanya.Sabihin na nating blackmail.Baka sabihin ng iba na makapal mukha ko kasi ako na ang mistress ako pa may lakas ng loob na lumaban.Gagawin ko to para ipaglaban ang mahal ko,
Sa ngayon ay nag-lie low na sya at sinabihan na lumayo na lang kami,takot din siguro na matangalan ng ipinagmamalaki nyang lisensya.Pero ayoko ng umabot don ang situation .Gusto ko din sanang mag-sorry sa kanya sa lahat ng nangyari pero wala pa akong lakas ng loob kasi alam kong hindi naman nya ko pakikingan,siguro sa tamang panahon na lang.kapag ok na ang lahat at umaasa ako na darating ang araw na yan.
Wala akong inagawan o sinirang pamilya kasi bago pa lang ako dumating ay talagang sira na.Nagkataon na ako ang dumating para mapasaya sya kasi kung hindi man daw ako dumating sa buhay nya ay maghahanap daw talaga sya ng ibang magmamahal sa kanya.
Hindi ko sinasabi na dapat tularan ang tulad kong mistress.Hangat maaari kung kaya pang iwasan ay umiwas na muna.Pero kung talagang nagmamahalan kayo, it's up to you kung kaya nyong ipaglaban ang isa't isa pero be ready to face the consequences.
Sa mga legal wife naman, wala akong karapatang mangaral sa
inyo, ang masasabi ko lang,sana pahalagahan nyo yong mga husband ninyo.Wag puro mga pagkakamali lang nila ang nakikita nyo,baka ang mga bagay na hindi nyo nakikita ay napakahalaga pala sa iba.
Sana don't judge "US".
TAMA! Hindi naman namin ginusto na maging kabit. Nagmahal lang kami. at sana maintindihan nyo yun...