hello. subukan ko po sagutin ang concerns raised from a legal (and not necessarily moral) perspective:
1. ang ating constitution holds the concept of family sacred, and thus existing laws (civil code, revised penal code, special laws atbp) work towards the protection and preservation of the family. kung kaya po unfortunately, lesser po talaga ang rights ng mga mistresses.
2. our existing laws are also very old and would need to be revisited considering the present realities of families and marriages. under our existing law, mas madaling kasuhan ang wife na nagkasala (adultery - just need to prove na nagkaroon ng sexual contact) kaysa ang husband na nagkasala (concubinage - need na ibinahay ng H ang lover or scandalous circumstances.
sa adultery man o sa concubinage may kasalanan ang nagkasalang asawa at ang kanyang lover. ang tanging makakapag-abswelto sa adultery o concubinage ay kung may pardon o pagpapatawad na gagawin ang asawa. ang knowledge o pagkaalam sa pangyayari at walang gawing hakbang ang asawa para itigil ay maaring ma-consider na consent or pardon.
3. kahit na wala na ang pag-ibig, under the law may legal obligation ang husband and wife to live together under one roof. kung kaya kung ayaw na nila, they need to ask permission from the court to live separately (legal separation).
4. sa ngayon, wala tayong law on divorce unlike other countries, which would allow a couple to separate based on irreconcilable differences. subalit may mga panukalang batas/ bills already filed in Congress (by Gabriela Partylist - you can google this to know). the chances of getting this passed is an entirely different matter.
5. what we do have is annulment -- pero ito ay strict dahil ni-r-require nito na patunayan na nung ikinasal ang husband at wife ay wala ang kinakailangang requirements. sa ngayon ang kadalasan na dahilan na ginagamit ay ang psychological incapacity.
6. bagamat hindi tinitignan na ligal ang relasyon ni husband at ni lover, ang ANAK ni husband sa kanyang lover ay may karapatan na kilalanin bilang anak ni husband, may karapatan siya sa mana/ inheritance, may karapatan siya sa support upang mabuhay. kung kaya napakahalaga na sa birth certificate ng inyong anak ay pumirma si husband ng pag acknowledge ng paternity.
7. ang lover nga lang ay wala pong karapatan sa support dahil nga po ang relasyon ni husband at ni lover, bagamat puno ng pag ibig, ay hindi tinitignan bilang kaaya-aya ng ating batas.
8. ang batas na maaring mag protekta sa mga lover ay ang VAWC - o ang Anti Violence Against Women and their Children Act. bagamat ang relasyon mismo na pinasok ni lover ay hindi legal, hindi siya nawawalan naman completely ng karapatan. hindi pa rin dapat physically saktan ang babae o ang kanyang mga anak.
sana po ay makatulong ito sa inyo. kapag tinignan talaga from a legal perspective, dehado po talaga ang mga lovers o mga mistress. so even from a legal point of view, mukhang you would need to think it over several times before entering into a full blown relationship. mahirap po talaga turuan ang puso -- pero siguro kung papasukin niyo man ang ganitong relasyon, please be "smart" -- try your best to protect yourself emotionally, physically and economically.