Salamat po sa inyong forum para makapagtanong ng mga bagay na legal. Sa ngayon kasi dahil me asawa na ako kaya di na ako nakatira sa bahay namin. Ang nakatira na lang yung nanay,tatay at kapatid ko. Yung bahay ay nakatayo sa lupa na pag aari ng lolo, since 1983 pa. Pinatira kami ni Lolo para pagyamanin yung lote. Sa pagdaan ng mga taon, yung lote ay nabili ng lola na kapatid ng original na may-ari(maternal side). Pinatayuan ng paupahan ng Lola, tapos yung isang nangungupahan mula 1992 na ginawang katiwala ng Lola ko dahil hindi makasundo ng Lola ko etong Nanay ko. Bale kasi yung Nanay ko ay matalas at maanghang magsalita. Hindi naman siya nag uumpisa ng away kaya lang pag me nakitang panglalamang ng kapitbahay, walang pasensya...siguro dahil na rin sa mababa lang ang narating sa pag aaral kaya walang sense of diplomacy talaga. Yung anak ng katiwala na nag asawa na ay nakatira sa isang paupahan na talikuran lang ng bahay namin. Nung nakaraang buwan, pinausukan ng anak nung katiwala galing sa siga ng mga tuyong dahon yung mga labahan nila kaya nagalit yung Nanay ko, ang ginawa ng nanay, tinapunan ng ihi yung pader malapit sa bintana na malapit naman sa kwarto nila. Pinabaranggay yung nanay ko tapos humingi ng sorry yung nanay kaya na-okey yun. Ngayon na naman, etong nakaraang Oct. 7, nagpagawa ng bubong sila lampas-lampasan at siguradong mababasa yung loob ng bahay namin ng talsik ng ulan. Kaya tinapunan nn naman ng ihi galing sa bedpan ng nanay ko. E kung di sana ginawa ng nanay ko yun, kami sana ang magrereklamo sa Baranggay dahil nung nagpapalit sila ng yero, umakyat yung Tatay ko sa bubungan namin para pakiusapan na tulad ng dating haba ng yero ang gawin sana at lagyan uli ng alulod, tapos bigla daw nagsisigaw na parang binabae na bakit daw nakikialam. Papatulan niya daw yung Tatay ko kahit matanda at ihuhulog daw.
Itatanong ko sana Sir, kung anong provision sa Penal Code yung nilabag ng Nanay ko sa pagtatapon ng ihi sa wall nila. Totoo ba yung claim ng mga yun na yung unang ginawa ni Nanay ay ico-consilidate sa ginawa niya nitong huli para ipahuli sa pulis ang nanay ko. Kasi tama po ba ang pagkakaalam ko na civil ang nature nitong ginagawa ng nanay ko at di criminal. My bearing po ba pag sinabi ko sa kapatid ko na i-record sa cellphone yung mga pagmumura at pagbabanta ng pananakit nitong mga tao na to. Problema kasi namin tong nanay ko na di makontrol sa mga maling pag ganti niya. Nagkaroon tuloy ng leverage yung irereklamo namin.
Maraming salamat po sa pagliliwanag na ibibigay ninyo.