Dec 20, 2013 nung mapansin naming nakalampas pala ang bakod ng kapitbahay namin sa likod sa loob ng lote namin ng hukayin ni kuya ang muhon. 4 sqm ang sinako po nila.
Kinausap po namin ng maayos ang kapit bahay upang ipaalam sa kanya ang paglampas at ang hiling naming tanggalin ang bakod na pinatayo nila na lumampas sa amin. Pumayag po siya hiniling niya lamang na patapusin na muna namin ang christmas at new year para nga naman hindi maging abala sa mga okasyong darating kung kaya't pumayag kami. Dumating a Pebrero at pinaalam na namin sa kanya ang balak naming pagpapatanggal ng pader nila ngunit hindi na siya pumapayag. Wala daw sapat na edbidensya ang muhon dahil pwede lang naman yung ilipat ng lugar. Hiniling niya na ipadeodetic namin ang buong lote namin. Malaking halaga ang pagpapadeodetic kaya't nagisip rin kami kung gagawin namin ang hiling niya. Walang dudang lumampas siya ngunit gusto niya ng matibay na katibayan. Dahill hindi siya sumunod sa unang napagusapan na nagoffer na nga kami na kami nalang ang maggigiba ng wala siyang gastusin. Napagpasyahan ng magkabilang panig na dumulog na sa Baranggay upang may malinaw na paguusap at agreement na mangyari. Napagkasunduan ng magkabilang panig sa barangay na magshare sa padeodetic sa kadahilanang para ito sa pagsusukat ng lota niya at lote namin nang makita ang kabuuang sukat ng inilampas. Makaraan ang ilang linggo tumanggi muli si kapitbahay na ipasukat sa deodetic ng lupa dahil hindi naman daw sila ang kailangan ng ebidensiya ng pagkalampas ngunit kami. Hindi na kami nakaatras sa nakausap ng deodetic at pinasukata ng buong lote namin kasama ang inilampas sa amin ni kapitbahay. Saksi siya sa pagsusukat at pumasok pa siya sa bahay. Hindi siya nagbayad dahil ayaw niyang pasukatan ang lote niya at lot lang namin ang sinukatan at ang kabuuang inilampas. Kami lang ang nagbayad ng lahat lahat. Napatunayang lumampas si kapitbahay nguint tumanggi siyang tanggalin ang bakod na inilampas sila kung hindi namin sila babayaran sa ginastos nila sa paglampas ng bakod nila sa amin. Ngayon, hindi lang kami ang napeperwisyo kami pa ang pinagbabayad sa gastos sa kasalanan nilang paglampas sa amin. Bakit daw ngayon lang namin ito inirereklamo kung medyo matagal na ang bakod nila sa likod namin. Sa amin naman, hindi namin tinirhan ang bahay namin sa matagal na panahon at hindi namin napansin na ang likod bahay na pala namin ay natayo na ng wall na inilampas sa bahay namin. Noong mga panahong wala kami ay ang kapatid ng lola ko ang pinatira niya sa bahay namin.
Noong mga panahong kami palang ang nakatira noong mga bata kami. Sinita na ni Mama ang ginawang paglampas ng nauna naming kapit bahay ang unang nakatira sa likod na bahay at pinagbawalan si ginagawang bakod. Pansamantalang bakod lamang daw na may tatlong patong ng hollow blocks para sa mga alaga niyang manok at tatanggalin din nila kalaunan.Dahil sa pakikisama at sa hangad na mapayapang relasyon sa kapitbahay at pumayag si mama sa pansamantalang bakod para sa pakikisama.
Dumating ang panahon na nagpasya muna ang buong pamilya na tumira sa QC dahil sunod sunod kaming nagkakasakit sa Bulacan at mas accessible pa ang lugar noon doon dahil puro talahib pa ang bulacan at malayo sa siyudad, paaralan, hospital at pamilihan.
Pinatira ni Mama si Lola ang ina niya. At kinalaunan pinatira ni Lola ang kapatid niya.
Ayon sa aking ina naibilin niya kay Lola noong mga panahong iyon ang tungkol sa pansamantalang bakod ng kapitbahay at wag hayaang tumaas.
Dumating ang maraming taon at napagpasyahan naming bumalik sa Palmera Bulacan upang magkasama sama ang pamilya. At nang nakaipon na kami ng kaunting halaga sapat para ipaayos ang bahay na matagal nang napabayaan doon na nagsimulang maghukay sila kuya at hanapin ang muhon sa para sa aktwal na sukat ng lupa kung saan magsisimula sa pagbabakod dahil nais naming luwangan ang bahay at upang maiwasan ang paglampas sa kapitbahay. Doon niya nalamang nasa kapitbahay ang muhon. At narealize na lumagpas ang kapitbahay namin kaya pala ang sikip sikip ng parteng likod ng bahay namin. At doon niya na rin ako inutusang kausapin ang kapit bahay para sa mapayapang pagtanggal ng inilampas nila.
Ayon sa Lupon, nang naguusap kami sa barangay dapat daw ay hindi si mama pumayag noon sa pansamantalang bakod ng naunang tumira sa likod bahay dahil yaon ay maaring ikalito ng sumunod na tumira sa bahay.
Ayon naman kay mama, dahil alam niya ring si kapitbahay ay orihinal at matagal nang may ari ng bahay na katabi ng likod bahay namin na kailan niya lang binili ay dapat alam talaga ni kapitbahay ang tunay na pagitan at sukat ng lupa nila sa amin. Hindi nga siya ang unang may ari at siya lang ang nakabili ngunit hindi rin yun sapat na dahil para hindi niya pagalam ng totoong sukat ng lote ng bahay na binili niya. Ignorance of the law excuses no one.
Kumbaga sa sasakyan bago ka bumili alamin mo muna kung ang bili mo ay may lamat, kung totoo ang laki ng nakikita mo sa papeles at kung anong ang consequences mo.
Hindi gusto ng pamilya namin na ibenta ang lote na sinakop ni kapitbahay dahil kami rin ang dapat namagpapalit ng sukat ng lupa namin from 83 sqm to 79 sqm nalang kung magkakaganun. Ayaw rin namin ng may iniisip na taong sisingilin at lakarin ng papeles dahil may kaedaran narin ang magulang ko at hindi applicable sa busy namin trabaho ang magkaroon pa ng panibagong intindihin. Ayaw namin sa lahat ang magintindi sa paniningil dahil alam naming malaking sakit sa ulo ang pagsingil sa taong may utang. Hindi rin naming mas lumala ang relasyon ng pamiyasa kapitabahy dahil sa pera kaya't iwas na iwas kami sa ganyang bagay. Ang sa amin lang, maibigay ang loteng pagaari namin ng maayos na namin ang bahay. Hindi kami mukhang pera at hindi kami magsasampa ng kaso para magkapera. Pero dahil hindi talaga pumapayag si kapitbahay ay natapos sa lupon ang paguusap namin na kailangan nang iaakyat sa korte.
Kinausap pa naming muli si kapitbahay upang hindi na umakyat sa Husgado ang ganitong paguusap dahil malaking abala rin saamin ang paghahanap ng abugado at pagattend sa hearing. Ngunit ayaw pumayag ni kapitbahay sa pagtanggal sa bakod dahil nga parte na ng bahay nila ang nasabing bakod na kailan niya lang din inamin.
June 2014, Nagtanong kami sa Lawyer Atty na nagsabi na walang dudang kapanalo panalo ang kaso namin ngayon pang kami lang ang may titulo, deodetic report at iba pang papeles na makakapagpatunay ng paglampas. Ayon sa kanya ay walang kaso ang pagpayag ni mama sa naunang nakatira dahil ang usapin ay ang ang paglampas ng kasalukuyang nakatira.
Encroachment daw dapat ang kaso sa ganito sitwasyon. Hiningan niya kami ng 30K acceptance fee, aaminin naming napakahirap humanap ng ganun kalaking halaga dahil mahirap lang kami, ngunit sa hangad naming matapos na ang gulo ay ang pera sanang pampaayos ng bakod at bahay ang pinampbayad namin at nakipagayos si Atty na 50/50 ang magiging hatian sa pagkapanalo ng kaso sa kung anuman ang maibabayad sa amin pag nanalo kami sa kaso kasama ang acceptance fee dahil suguradong walang duda ay mananalo kami. Ngunit may 2k fee every appearance sa hearing at iba pa ang bayad sa gasolina niya sa pagpunta.
Every 2 weeks nag fafollow up kami kay Atty na kung anu nang nangyayari sa kaso, kng umuusad ba.
Dec 2014, Dumating ang maraming buwan at pinatawag ang magkabilang panig para sa hearing. Hindi dumating ang panig ni kapitbahay. Hiningan ang kampo namin ng Certified letter na nagpapatunay nagpadala si Atty ng sulat sa kanila at dapat maipadala ang Certified letter sa loob ng 10 araw. Inutusan ni Atty si Papa upang lakarin ang papeles na hinihingi ngunit hindi makapagissue ang Post Office ng Certified letter dahil ang hinihinging blue receipt ng post office ay hindi maibigay ni Atty.
Nadismiss rin ang kaso dahil ayon sa Korte ang isinampang kaso ni Atty ay Forcible entry at Unlawful Detainer. Ayon sa liham ng municipal trial court,
For resolution is with Leave Reconsideration, with motion to admit attached amended complaint filed by plaintiffs, through counsel, on Nov 18, 2014.
The said motion seeks reconsideration of the Court's order Oct 10,2014 dismissing this case on the ground that the jurisdictional requirements of forcible Entry and Unlawful Detainer were not duly established.
The court resolves to deny the instant motion.
In the challenged Resolution, preliminary, the Court pointed out that the plaintiffs appeared uncertain whether to consider this case as one for Forcible Entry or Unlawful Detainer. More importantly, in dismissing this case, the Court Stressed that the plaintiffs failed to establish the jurisdictional requirements of Forcible Entry and Unlawful Detainer.
While the Amended Complaint states the case should be considered as one for Forcible Entry and the plaintiffs are the owners of the subject property and in physical poissession thereof for almost 20 years, such assertions were belatedly made, a clear afterthought.
There appears no cogent reasons , therefore, to disturb the Court's Resolution dated Oct. 10, 2014, dismissing this case.
Nakuha ni papa ang sulat Feb 16,2015.
Tinanong namin si Attorney bakit ganun ang nangyari sa kaso ngunit ayon sa kanya ang dahilan kaya nadismiss ang kaso ay dahil nga sa Pagpayag ni mama sa unang nakatira bago pa sila kapitbahay sa pansamantalang bakod noon.
Sinabi namin sa kanya na alam niya ang tungkol doon sa simula palang bago pa kami pumayag na hawakan niya ang kaso dahil nga gusto naming malaman kung matatalo ba kami o mananalo sa kaso dahi kung matatalo rin kami ay bakit pa namin itutuloy ang kaso ang bakit kami magbabayad ng acceptance fee sa kanya kung hindi niya kami binigyan ng kasiguraduhan na kapanalo panalo ang kaso.
Hindi niya raw matandaan na sinabi namin sa kanya yun...pero raw para ngang may natatandaan siya.
Mayabang daw ang attorney na magsasabing ipapanalo niya ang kaso,kaya nia lang daw sabihin "titingnan natin" pero hindi ang "mananalo kayo". Tungkol naman sa blue slip na hinihingi ng Post Office para sa certified letter, wala daw siya nun. Ibinigay niya daw sa post office nung mismong ipinadala niya ang papeles,minsan naman ang sagot niya, hind niya raw maaalala kung nasaan. tapos ibinigay niya daw sa secretary niya. Na hing\ingi ni papa sa secretary niya na wala rin naman daw sa kanya.
Ano pong klaseng attorney ang makakalimutan ang napakaimportanteng detalye sa kaso. Anong klaseng attorney ang babawiin ang sinabi niya noon ng buong kumpiyansa na nagbigay samin ng lakas ng loob na ituloy ang kaso at isugal ang perang pinagipunan ng buong pamilya para maisaayos ang tahanan namin.
Maaari raw na binayaran ni kapitbahay ang Judge kaya nadismiss ang kaso ng walang pang nagaganap na talaga hearing.
Sa panig naman naming pamilya, wala sanang mangyayaring bayaran ng acceptance fee, hindi namin sa kanya ipapahawak ang kaso kung sasabihin niya ang totoo na mali ang pagpayag ni mama sa pansamantalang bakod at ang dapat naming hanapan para kasuhan ayon kay atty ay ang unang nakatira.
Base naman sa pagkakaintindi ko sa nangyari, kulang ang elemento ng kasong sinampa niya, nalito ang judge dahil 2 magkaibang kaso ang sinampa niya at ang Unlawful Detainer ay para lang sa tenant na hinihingan mo ng bayad sa lugar na nirerentahan niya.
Nakakalungkot na sa isang iglap ay parang ibang tao na ang kausap mo na nagsasabi ng bagay na ngayon mo lang maririning sa kanya. Papabulaanan ang dati niyang pinangako at idadahilang nakalimutan niya, hindi niya matandaan at para ngang may naaalala lang siyang konting detalye tungkol dun.
Hindi niya maaaring idahilan ang Katandaan niya dahil kung magtatrabaho pa siya bilang abugado ay dapat sinisigurado niyang ang isip niya ay matalas pa para makuha niya ang mga importanteng detalye ng kaso at ikinukwento sa kanya ng kliyente niya.
Madalas siyang hindi makaattend sa appointment kapag nagpapaappointment si papa. Sa niya ang kliyente at abugado ay dapat nagtutulungan pero laging si papa lang ang naglalakad ng papeles at nagfafollow up ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa.
Hindi niya rin kami balak bigyan ng resibo sa 30k na ibinayad namin dahil daw matataxan lang ng BIR. Ngunit dahil kailangan namin ng ebidensya ng halagang ibinayad namin sa kanya ay napapayag din namin siya na matagal pa naming nakuha dahil lagi niyang nakakalimutan daw.Marami din daw kasi siyang kasong hinahawakang mas mabigat sa kaso namin.
Ngayon, hindi lang ang kaso mismo ng lumampas na bakod ang pinoproblema namin, pati ang attorney mismong pinagkatiwalaan namin, iniwanan kami sa ere.
Hindi niya daw maibabalik ang 30k dahil ginamit niya na sa pagfile ng kaso at magasikaso ng papeles, pero kung iisipin natin Walang siyang ifafile na kaso, wala siyang aasikasuhing papeles kung naging honest siya sa kung anu talagang kalalabas ng kaso at kung hindi siya nagkalito lito sa kung anung kaso ba talaga ang kasong isasampa laban sa kabilang panig.
Ngayon naman ay sinasabi ni Atty na magpadala kami ng sulat sa baranggay para makipagusap kay kapitbahay na bayaran nalamang ang lupang inilampas nila buwan buwan bilang renta dahil hindi naman namin balak ibenta sa kanya. At kung hindi pumayag ay magfile kami ulit ng kaso sa kanya at mabayad ng filing fee na 6k at wala na kaming babayarang acceptance fee muli dahil sy\iya parin ang attorney namin. Siguradong wal na raw magiging option si kapitbahay upang labanan ang kaso.
Hindi ko po alam kung tama po ba yun o isa na naman ito sa magigng panloloko ni Atty dahil ganun na ganun din ang sinabi niya samin sa simula palang ng kaso. Panibagong kaso, panibagong paglalakad, pero sa pagkakataong ito, naniningil na kami ng renta. Sa tutuusin, hindi naman talaga pera ang dahilan kaya kami nagfile ng kaso, kung pero lang pala pumayag na kami na ibenta ang bahay. Ang saamin lang matanggal na ni kapitbahay ang pader na inilampas nia na ipinayag naman niya talaga sa simulang paguusap palang ng lumuwang na ang lote namin para mapalaki ang sakop ng bahay para sa ikaaayos ng tahanan. Hindi ganoon kadaling humanap ng 6k naman pang filing fee. Nawala na ngalang parang bula ang 30k na hinihingi naming refund sa kanya, baka maulit lang ang mangyari. Natatakot na muli kaming magtiwala kay Atty. Dahil kung kaya niyang pabulaaanan lahat ng sinabi niya dati mas kaya niyang pabulaaanan ang lahat ng sinasabi niya ngayon. Kung nakarecord lang lahat ng napagusapan namin ni Atty nung simula palang, napakadali siguro naming makakamit ang hustisya. Ngayon papayag pa ba kami ulit magpalokong muli?Hindi man nakarecord lahat ng pinagsasabi niya saksi ang Diyos sa kung anu talaga ang katotohanan. Malinis ang konsensya ko at kaya kong manumpa sa Diyos na lahat ng sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang.
May sakit sa puso ang mama ko at nangyayari ngayon sa amin ang nakakapagpalala ng sitwasyon niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil ako rin sa sarili ko hindi makatulog sa kakaisip kung anung pagkakamali ang nangyari sa amin.
Sa sarili ko talaga alam kong kami ang nasa tama pero bakit parang napakahirap humingi ng hustisya?
Bakit parang napakabulag ng mga tao. Bakit parang kahit nasa inyo na lahat ng ebidensya hindi parin sapat?
Sana po ay matugunan niyo ang hinaing namin at tulungan kami sa kung anong dapat gawin.
Umaasa po talaga akong may mangyayaring magandang bagay. Hind natutulog ang Diyos. May taong mabuting pusong nagmamalasakit ang tutulungan kami tungkol dito. Naaawa ako sa pamilya ko. Sa ganitong paraan nalang ako makakatulong bukod sa pagpapanatiling mapayapa ang pamilya kong hindi nagsisisihan sa problemang toh.
Ayoko pong lumala ang sakit ni mama sa puso.
Macocontact niyo po ako sa mobile ko 09277315720 or 09433902127.