Hello po Atty.
Magandang araw po.
Last Friday (October 5, 2012), naka aksidente po yung bayaw ko sa Pakil Laguna. Napatay po yung babae na isa sa sakay ng motor.
Ang nangyari po, nag overtake daw po yung motor sa trak ng bayaw ko, hindi po nakita ng driver ng motor na may patawid na aso, kaya sumimplang po sila at tumilapon. Yung driver po ng motor sa kabailang kalsada, samantalang yung babae po na angkas ay sa kabilang parte ng kalsada, sa harapan ng trak ng bayaw ko. Kaya nasagasaan sya at namatay.
Sa ngayon po, nakakulong po sa Pakil Laguna yung bayaw ko, wala pa naman daw po kaso, kasi bukas pa iinquest.
Ito po hindi pa nangyayari sa aming pamilya kaya hindi pa po namin alam ang gagawin.
Hihingi po sana kami ng payo sa inyo kung papano ang pwede namin gawin para malutas ang pagsubok na ito.
Wala rin po kami kakayahan para kumiha ng abogado. Kung sakali po bang lalapit kami sa PAO, ano po ba ang proseso at sang lugar po kami magsisimula.
Marami pong salamat sa inyong magiging sagot.