sasangguni ko po sa inyo kung saan po ako dapat dumulog tungkol sa issue ko sa employer ko. 2011 ko pa po nirereklamo sa employer ko ang 3 unposted SSS contributions ko way back in 2008 & 2009. Nung nai-brought up ko ang issue na ito, sinabihan ako ng payroll supervisor na linggo linggo nila kinokontak ang SSS para mai-manually post ang mga nawawalang contributions ko. Kaso after how many months na akong nagfa-follow up sa spvr na yun ng bigla naman pong nag-resign kaya sa incoming payroll spvr naman ako dumulog at sinabihan ako ng may ongoing process na raw at mejo matatagalan. After several months ng paghihintay sa sinasabi nilang process, humingi ako ng update at hiningan nila ako ng updated copy ng SSS contributions na siya namang ipinasa ko at humingi ulit ng feedback. Hanggang ngayon po, di nila ako sinasagot o pinapansin ang mga follow ups ko. nadagdagan na nga po ng napansin kong puro late ang loan payments ko sa SSS at nagkaroon na naman ng penalty at 2nd occurrence na po ito. Kaso nung sinunod ko ang process namin sa office tungkol sa mga ganyang klaseng mga disputes, hanggang ngayon po ay di ako sinasagot. kanino po ako dapat sumangguni tungkol dito kasi baka in time, mag-resign ako pero di pa nila natatapos ang mga contributions at penalties na sila ang may sala kung bakit nawawala at nagkakakaroon. Maraming salamat po in advance and Mabuhay!