nangyari po ito mga 2007 sa SM hinuli po ako ng guard at inakusahang nagshoplift,pasara na po ang mall noon dahil humabol lang ako sa grocery,tuliro po kasi ako that time dahil habang namimili kasama ko pa anak ko ay nagtetext ako using 2 phones dahil may ka argument ako noon na umuupa sa bahay ko,at the same time katext ko din ang mother at sis ko sa ibang celfon,na yung hawak kong item dahil maliit lang sya ay naisilid ko sa bag kasama ng 2 celfons.siguro may nakakita na sa akin kaya sinundan na ako.nakapagbayad ako sa cashier ng walang sumisita sa akin at naglakad sa halos sarado na mall pagkalabas ng grocery at dun ako nilapitan ng civilian guard nila at dinala sa ofis daw ng chief nila.kinuha id ko,SOP nga daw nila, pinahawak pa ako ng board na parang criminal at kinuhanan ng pic sa celfon nung guard at ng malaon kinausap lang ako dun at pinatawa dahil naiiyak na po ako sa pagtanggi na hindi ko ginawa talaga yun dahil kako sa sitwasyon ko sa buhay bakit ko gagawin yung kumuha ng isang bagay na kaya ko naman bilhin.hindi naman ako pinagbayad at sabi lang ay wag ko na uulitin.pero ididisplay daw yung picture ko kasama ng mga shoplifters na nasa board.
madedetect po ba ito pag kumuha ako ng nbi o police clearance? pinag thumbmark po kasi ako pero ung surname na inilista nung guard ay mali sa spelling na tunay na surname ko (d ko na po itinama pa ung tao)
ang mga record po bang ganun sa mall ay dinadala nila sa police? o pormalidad lang para sa record nila, besides nakakapabalik balik naman pa rin ako sa mall na yun para mamili at yung humuli sa akin na nakacivilian ay di na dun nagwowork maliban dun sa chief nilang tinatawag na parang kinikilala nya ako pag nakikita nya ako at ako naman ay medyo iniirapan ko sya at dinededma.
sana po may makasagot ng katanungan ko dahil ilang taon na po nakalipas pero pag nabalik sa alaala ko yun na nag iiyak ang anak ko sa takot ay parang natutunaw ako sa magiging kahihiyan pag may nakaalam ng pangyayari na yun, na kahit nangatwiran ako ay di pinaniwalaan at pinagbintangang nanguha ng isang bagay, kahihiyan pa po sa mga kapitbahay pag may nakaalam.
maraming salamat po sa payo ninyo.
God bless us all.
thank you