tungkol sa lupa na minana namin ng kapatid kong lalaki sa yumao naming ina. Noong pinamana sa amin ang lupa ay may asawa na po ang aking kapatid na lalaki at ako ay binata pa. Sa title nakasulat ang pangalan ng kapatid ko, hipag ko, at ang pangalan ko.
Nag-loan po kami sa bangko at ginawang collateral and nasabing property dahil sa kailangan ng kapatid ko ng magdagdag na puhunan para sa negosyo niya. Pagkaraan ng ilang taon, nag-request siya sa bangko na dagdagan ang existing loan niya. Subalit na-deny po siya dahil kailangan daw ng pirma ang asawa ko dahil kasal na po ako sa mga panahong ito. Nagkahiwalay din kami ng asawa ko at nagtungo siya sa ibang bansa. Napag-usapan namin magkapatid na gumawa ng isang notice na kunwari ay binenta ko na ang parte ko, sa madaling salita ay para ma-approve ang nirerequest niyang dagdag. Ngunit hindi rin ito napag-bigyan ng bangko.
Nabayaran na po ang loan at na-irelease na iyong title sa amin. Ito po ang aking katanungan:
- Dahil sa nakasulat ang pangalan ng hipag ko sa title, mayroon ba siyang karapatan sa partihan sa lupang minana namin?
- May bisa ba ang kasulatan na ginawa ko para palitan nila ang title at ilagay ang pangalan nila kahit wala namang deed of absolute sale?
- At kung may bisa, ano po ang dapat kong gawin?
Maraming Salamat.