Gusto ko lang po sanang malinawan sa mga isyu na kinakaharap namin tungkol sa bahay ng lolo ng asawa ko. Dumating po kasi yung tiyuhin nya na halos 20yrs na pong hindi nagpapakita sa lugar namin dahil po wanted siya sa NBI for illegal drug dealing dati. Inaangkin nya po ang bahay ng lolo ng asawa ko sa kadahilanang sya na lamang ang natitirang anak na buhay. Bago po pumanaw ang lolo ng asawa ko ay nakapag iwan ito ng kasulatan sa nanay ng asawa ko kung saan nakasaad ang buong pangalan ng tiyuhin ng asawa ko at ang mensahe ay wala na syang karapatan sa bahay. Nakasaad din po sa kasulatan na ang bahay ay iniiwan na sa nanay ng asawa ko at sa apo (asawa ko po na bukod tanging lehitimong apo) Wala pong power of attorney ang nasabing papel ngunit mayroon po itong lagda ng lolo ng asawa ko, nanay ng asawa ko, kapatid ng lolo ng asawa ko at isa pa pong kamag-anak. Patay na po ang lolo ng asawa gayun din ang kanyang ina at ang kapatid ng lolo ng asawa ko na kasama sa mga nakapirma sa papel. Ang naturang papeles po ay ibinigay ng asawa ko sa anak ng kapatid ng lolo ng asawa ko dahil mayroon daw itong kakilalang abogado na pwedeng tumulong sa'min. Subalit dalawang taon na po ang nakakalipas nung maibigay namin ang papeles at hanggang ngayon ay walang malinaw na kasagutan.
Ano po bang kapangyarihan mayroon ang papel na hawak namin laban sa tiyuhin ng asawa ko?
May bisa pa po ba ang karapatan ng tiyuhin ng asawa ko bilang natitirang anak na buhay gayung may pinanghahawakan kaming papeles?
Mayroon pong kapatid na lalaki sa labas ang asawa ko. Ang tatay po niya ay hindi kasal sa nanay ng asawa ko. May karapatan po ba siya sa bahay na naiwan ng lolo ng asawa ko?
Nawa ay masagot po ninyo ang mga katanungan ko. Maraming-maraming salamat po.
Gumagalang,
Jesler June Mangindin