Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Purchase of Inherited Property

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Purchase of Inherited Property Empty Purchase of Inherited Property Fri Oct 24, 2014 3:03 pm

refeiluj


Arresto Menor

May house and lot po kami under sa pangalan ng mother namin na nine years na po deceased. anim po kaming magkakapatid. yung lupa po is under home mortgage. may naiwan po na balanse ang mother namin until nung death niya. balak po ng father namin na ibenta yung property. kung babayaran po namin ang balanse sa lupa at ibenta ang property, maaari po ba na ako ang bumili nito sa tatay namin? salamat po.

2Purchase of Inherited Property Empty Re: Purchase of Inherited Property Fri Oct 24, 2014 9:19 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua

Bago ang lahat, minana ba ng mother ninyo yung lupa sa mga magulang niya (lolo at lola ninyo)? If oo, paghahatian ninyong lahat kasama ang tatay ninyo ang lupa. Kung hindi, ibig sabihin, ang mga magulang ninyo ang bumili ng house and lot, ang kalahati nun ay sa tatay ninyo at kalahati lang yung paghahatian ninyo.

Pwede mo itong bilhin pero kung magkano ang dapat mong bayaran ay depende yun sa mga kasagutan mo sa mga katanungan na nasa itaas at depende rin kung papayag yung iyong mga kapatid.

http://www.kgmlegal.ph

3Purchase of Inherited Property Empty Re: Purchase of Inherited Property Mon Oct 27, 2014 8:42 am

refeiluj


Arresto Menor

Binili po ito ng mother namin. Hanggang sa ngayon po, sa kanya pa din nakapangalan ang lupa sa master list na nasa home mortgage.. wala pong title ito at yung booklet ng amortization lang ang hawak namin.. Kung bibilhin ko po ito, tama po ba na kailangan din na pumayag ang mga kapatid ko na ibenta ito sakin.. ibig po bang sabihin nito, bibilhin ko ang lupa sa mga kapatid ko at sa tatay namin? matagal po ba ang proseso at maraming kakailanganin na documents? balak ko din po kasi na ipasok ito sa pag-ibig under lot purchase and construction loan.. thank you po ulit..

4Purchase of Inherited Property Empty Re: Purchase of Inherited Property Wed Oct 29, 2014 12:39 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua

Anong taon kinasal yung mga magulang ninyo? Kelan binili yun ng mother ninyo? Oo, kung bibilhin mo, kailangan pumayag lahat ng mga kapatid mo kasi magmamana sila sa mama ninyo. And oo, ang lalabas ay bibilhin mo yun sa tatay at mga kapatid mo para sa share nila dun sa property. Yung mga kailangang documents ay yung magpapatunay na nagbabayad kayo ng tax dun sa lupa, yung documents na nagpapakita na pagbili ng nanay ninyo, etc. For more details, please send me a private message (PM) para mabigyan ko kayo ng further details. Thanks

http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum