Una ko pong work is Real-Estate agent. pero 2 months lang po ako dun (di nga po ako nakabenta eh) and then ngCallcenter agent na po ako. Until now callcenter agent po ko pero sa different company na.
Sabi ng officer po sa BIR, kailang ko po mgfillout ng BIR form 1701 para madeclare ko po ung annual income ko po. and BIR form 2316 na evidence na kinakaltasan ako.
Ang problema po, is dun sa unang callcenter company na pinagwork ko, is shutdown company na po sila, paano pa po ako makakakuha ng BIR 2316?
Pwede ko ba ipa-check na lang sa BIR ung mga nabayaran ng tax.
Help po, di ko po alam gagawin. Ngayon ko lang po kasi nalaman about dito and gusto ko na po asikasuhin.