Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

reckless imprudence resulting to damage to property..car accident

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

ineedhelppls


Arresto Menor

Good morning po atty.
Gusto ko lang po humingi sa inyo ng legal advise. July 21, 2012 - palabas po ng ospital yung kotseng minamaneho ng brother-in-law ko ng ito ay mabangga sa kaliwang bahagi ng isang rumaragasang nissan frontier pickup. Ayon po sa bro-in-law ko at mga nakakita, nakapasok na ang kalahati ng kotse sa kalsada at napansin nyang mabilis ang takbo ng pickup, sinubukan nya ireverse ang kotse para hindi sya masapol kung kaya't ang tinamaan ng pickup ang kaliwang bahagi ng kotse na nagresulta sa pagkasira ng mags, bumper, left fender, broken shock etc.Parehong walang comprehensive insurance ang mga sasakyan.
Inabutan ng mga police ang pangyayari at nakunan ito ng litrato. Pagating po sa presinto, sinubukan po namin makiusap sa maginang nakabangga na sagutin ang damages. Subalit sila po ay tumanggi at iginigiit na wala si lang kasalanan sa nagyari. nang tumagal ang usapan, ay pumayag na sila sa term na 70% ng estimated price ang sasagutin nila. nagkaroon po ng pirmahan kaharap ang mga pulis. kinabukasan, humiling ang kampo ng nakaaksident na babaan ang estimated price. Hindi kami pumayag dahil masyado na kaming nadedehado. Gusto nila kami ang sumunod sa terms nila kahit sila na nga ang may kasalanan. Nang hindi kami sumangayon, sila ang naghamon ng demandahan kaya sumagot din kami na magdedemanda sa korte. hindi po pina-impound yung parehong sasakyan, dahil ayon daw po sa isang Coronel na nakausap ng pulis na magiimpound sana ng sasakyan ay wala daw authority yung pulis na magimpound dahil wala naman daw pong nasaktan at ang mga driver ay parehas na may license. Ang mag-ina po na nakaaksident ang pawang mga pinoy na New Zealand citizens at license na ginamit ay NZ driver's license, international driver's license daw po ito at pwedeng gamitin kahit sa Pilipinas. Hiningi ng pulis ang rehistro ng mga sasakyan. ng makaalis na ang mag-ina, napagalaman namin na rehistro ng isang motorsiklo ang binigay nila sa pulis at inamin ng pulis na na-overlook nya ito. Paalis na po ng bansa ang ina ng driver pero naiwan ang anak nito na driver ng pickup para daw po humarap s korte. Pero duda po kame na baka tumakas na din yung driver at lumipad na din papuntang New Zealand.
TANONG KO PO:
1. Bukod po sa reckless imprudence resulting to damage to property, ano pa po ang pwede isampang kaso sa kanila?
2. May kasunduang naganap ngunit hindi sila tumupad sa usapan?
3. Nagpasa sila ng maling dokumento sa pulisya
4. New Zealand citizen sila at walang local driver's license?
5. Kung sakaling makaalis na din ang driver, paano po namin sila hahabulin sa korte?
6. Hindi sa kanila ang sasakyan at walang kaukulang dokumento?

Pasensya na po at mahaba ang salaysay ko. Pero makakatulong po ng malaki kung mabibigyan ninyo ako ng legal advise bago po kami magsampa ng demanda. SALAMAT PO ng marami.

gwen adlawan


Arresto Menor

good am po atty. tanong ko lang po, kailan po ba e release ang sasakyan pag na impound sa police station pag hindi na issuehan ng TOP ang driver kailan ba ang reglimentary period nitto..pls.answer...

aquapalm


Arresto Menor

Good evening po, ano po ang pwede naming gawin sa operator ng jeep na bumangga sa akin at nagpupumilit na sila daw po dapat ang masusunod kung saan nila dapat ipagawa ang aming nasirang taxi (total wrecked) dahil sila naman daw po ang magbabayad nang pagpapagawa. ginagawa po namin ang lahat para mapabilis ang pagpapaayos nung taxi namin dahil ito lang po ang aming pangkabuhayan. dinala po namin yung taxi namin sa aming kakilalang talyer ngunit ayaw po nilang pumayag na doon namin ipagawa dahil mahal daw pong sumingil. nangyarin po ito nung lunes, May 6, 2013 sa may meralco avenue harap ng metro walk ortigas. automatic po ba iyon na dapat din po nilang bayaran ang aking daily income simula noong nangyari ang aksidente? Naway masagot nyo po sana itong aking mga katanungan.

P.s.: May police report po kaming ginawa pero hindi ko pa po nakukuha sa kadahilang ginagawa po nga namin ang lahat para muna maisaayos sa maayos na usapan pero hanggang ngayon ay hindi po kami magkasundo. Apat (4) nga po pala kaming involved sa aksidente pero ako ang nasa hulihan kaya po ako ang may pinaka-malaking damaged dahil sa bukod sa pagkakabunggo sa aking likuran ay pumasok pa rin po ang aking unahan sa ilalim ng isang Toyota Hilux na pag-aari ni Mr. Dennis Chan.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum