Hello po. Good afternoon. This is my first time sa site na to. I really need a legal advise sa kaso na sinampa saken ng wife ko. Sobrang masakit na po ang ulo dahil sa bagay na to.
2 cases of RA 9262 ang kinaso saken ng wife ko. ung una po, physical and psychological abuse which is na-dismiss po 3rd week of july. ung pangalawa po is regarding economical abuse which was na withdraw po earlier this year and nde nag prosper. end of july 2012 po, nagulat ako kasi may ibinaba saken na warrant of arrest regarding ra 9262 economical abuse. nagulat po kami ng family ko dahil ang bilis ng inusad nung kaso. ni hindi ko po alam na may naisampa na naman cyang kaso saken, yun nga pong economical abuse.
nung unang beses niang sinampa ung economical abuse saken, nagkaron po kami ng settlement sa fiscal na itutuloy ko po ung pagsustento ko. hiningan nia po ako ng 14k/month na nde ko po naibigay dahil sa wala naman ho akong trabaho. ang ginawa ko ho kahit na nde ko nafulfill ung 14k na gusto nia, nagpapadala nalang ho ako via LBC ng pera na kaya ko dahil ayaw nia tanggapin personally ung mga binibigay namen ng family ko. part din ng settlement namen na makikita ko ung bata every weekend. itinago nia ho saken ung bata simula nung nde ko napapantayan ung hinihingi niang 14k. tinatakot nia ho ako na wala raw katuturan ung settlement kaya nde ko na makikita ung anak namen.
So, nung binabaan ho ako ng warrant of arrest, nagulat ho kami ng family ko sa bilis ng process.
ang mga tanong ko po..
a) makukulong po ako kapag nag prosper tong kaso na to?
b) totoo po na kapag nde ko na fulfill ung mga terms ng wife ko kapag nagkaron kami ng mediation, makukulong pa rin ako?
c) bakit ho ganun kabilis ung naging process nung 2nd economical abuse eh ang last na nareceive ko po na document is na withdraw na nga ung kaso?
d) totoo ho ba na kahit na 1st hearing palang namen eh pede na ko i-convict na makulong ng judge if found guilty?
salamat po ng maraming marami.