I dont know where to post my queries, so thought of posting it here.
I have a car which was parked a few days ago in front of my friend's gate in novaliches, and when my friend went out to get something in my car, nagulat sya at may basag yung head light at gasgas yung bumper, so pumunta sya sakin na nanginginig telling me may basag at gasgas kotse ko, so we both went outside to check it again, nung asa tapat na kami ng kotse, lumapit kapitbahay nila, and sinabi samin na yung isang bahay which is katabi nila ang nakabangga.
So agad pinuntahan ng friend ko yung katabing bahay, babaeng matanda ang lumabas at nagsosorry na nabungo nya, so sabi ng friend ko ang laki laki ng kotse mo hindi mo to napansin? malaki din ang daan para mabangga nya yung car ko. so sabi ng friend ko paayos nya agad yun pero sabi nung matanda di daw pwede di daw available mekaniko nya, so sabi ko nalang na kami nalang papaayos bayaran nalang nya, pero paano yung gasgas sa harap ng bumper kasi halata?
sabi nung matanda sa saturday nalang daw yun anytime pwede.
so pinaayos ko yung headlight at binayaran naman nya, pero ng bumalik ako ng saturday, nagdahilan sya na kesyo nabagsakan sa paa yung mekaniko nya kaya di pwede maayos, so nagalit nako, sabi ko sa kanya hindi ako nakatira dito sa novaliches sa manila pako umuuwi, nandito lang ko sa friend ko kasi sinamahan ko sya na linisan tong bahay, since hindi din dun nakatira yung friend ko kundi sa mom nya na nasa abroad, pinupuntahan lang nya once a month or kung may time sya para icheck yung bahay.
so sabi ko paano yan? nagpaestimate kami sabi ng mga pinuntahan kong mekaniko hindi daw maalis yung gasgas unless pinturahan ang buong bumper eh ang singil sakin is 3k. so sabi ng matanda RUbbing nalang daw mura lang yun.
so ganun na nga ginawa ko pinarub ko worth 200 lang naman pero kita padin yung gasgas, so binalikan ko na naman sya, at nainsulto ako dahil di nya sya lumabas, sabi ng boy nila sa brgy nalang daw,
nagpintig tenga ko, paano ko papabarangay yun eh ngayon linggo walang bukas na opisina at bukas naman eh election lahat busy sa halalan? talagang sa sobrang galit ko balak ko na batuhin ng bato bahay nila para lang harapin ako, pasalamat sya lumabas anak nya maya maya, which is ang labo din kausap.
kaya balak ko sa tues. ireklamo na talaga sya, sobrang abala na ginagawa nya, mag aabsent ako sa work para lang maaksyonan na yan,
ininsulto pa nya ko baka pati daw ako bilhin nya, natawa lang ako nung sinabi nya yun, eh 1k nga lang para sa gasgas dimo matanggap tapos ako bibilhin mo pa, matanda na sya ayoko sana sumagot pero hindi maganda ugali nya, hindi ko habol yung pera, ang akin lang eh ipaayos nya agad yun at hindi ako nakatira sa novaliches.
Bukod sa abala gumagastos ako ng pang gas para lang bumalik ng nova galing manila.
ano ho ba pwede ko gawin sa tues para maaksyonan tong ginawa nila?
kasi sinabihan ko na sila kung di nyo kaya bayaran tong gasgas, gagasgasan ko nalang din yang kotse nyo para quits, gagastusan ko tong bumper ko , gastusan nyo din yang sayo pero ayaw nila..
maling mali kasi eh, paano nalang kung tao nabungo nila, ganun din kaya sabihin nila, di kita mapapaospital kasi wala doctor ko. next week nalang?
ilang araw nako pabalik balik dun, kung tutuusin hindi lang dapat yung bumper pabayaran ko sa kanya kundi yung perwisyo nya sakin at sa trabaho ko. instead na may sahod ako that day, hindi ako nakakapasok para lang puntahan sya.
ano ba pwede ko gawing sa tues para maayos nato?
kasi wala din magawa anak nya ang yabang din kausap kesyo maliit na gasgas daw, at wala pa 1k , eh pina rub ko na nga pero may gasgas padin at may tuklap yung pintura. hindi pwedeng ganun yun kasi kotse ng mommy ko yun, this month uuwi din mom ko, alangan naman kunin ko sa bulsa ko yung pampaayos, buti sana kung kasalanan ko.
kaso hindi eh nangigitgit ako sa galit kasi maayos na nakapark yung kotse tapos aatrasan lang nya, ngayon ayaw nya paayos, dami nyang rason kesyo ganito ganyan. at paano din kung wlang nakakita at di nagsabi tapat namin di hindi ko pa nalaman na sya nakabangga.
ano ho ba una ko dapat gawin para pagbayaran nya ginawa nya sa kotse at sa abala sakin?