Nasa Australia po ang tatay ko ngayon, and nalaman po ng nanay ko na may ibang babae siya doon through email.(Nabubuksan niya dahil nalaman niya po nun yung password ng tatay ko nung umuwi siya last dec 2011).
Inamin naman ng tatay ko nang kinompronta siya ng nanay ko sa email. And sinabi na hindi na siya babalik sa nanay ko.
Pinabayaan na sana ng nanay ko kaya lang nag-txt siya na nanghihingi pa siya ng official letter sa nanay ko na pinapayagan sya ng nanay ko na mag-asawa ulit.
Sa galit ng nanay ko gusto na niya magsampa ng kaso ngayon sa tatay ko dahil nasasaktan na po masyado ang mga kapatid ko (apat po kami and lahat nasa 20+ years of age na po)
Pwede po bang masampahan ng kaso ang tatay ko kahit nasa abroad siya? Anong kaso po ang pwedeng isampa laban sa kanya? And anong klaseng evidences or documents po ang pwedeng maipresent for the case? Sapat na po ba yung mga email replies niya and text?
Thank you po.