pglilinaw sa kaso mo, yun bang pinagusapan ng mga magulang mo at ng may-ari ng lupa at bahay na yan ay nakapaloob ba ang kontratang kahit verbal na bayaran ang mga magulang mo ng kaukulang bayad o sahod bilang care taker ng ari-arian nya o kaya ay kasama sa pinagusapan nila ang libreng pagtira niyong mag-anak dyan sa nasabing ari-arian bilang pambayad sa mga magulang mo bilang care taker?Kung may verbal na usapan ang dalawa na may sahod ang mga magulang mo ng 20 thousand a year ayon sa kwenta mo e may karapatan kayong singilin ang may-ari sapgkat paglabag ito sa pinagusapan ng dalawa. Ngunit, kung ang pagtira nyo ng mga magulang mo dyan na libre bilang care taker ang syan napagkasunduan e, kailangan kausapin nyo iyong may-ari mismo kung ang pagpapalis sa inyo ay kagustuhan o kalooban nya . ngayon, kung kalooban nya na kayo ay paalisin sa nasabing ari-arian nya na may masidhing dahilan, eh kinakailangan nyong lisanin ang lugar,sapagkat ayon sa hustisya napakinabangan nyo rin ng 30 years ang lupat bahay ng libre at walang singil. Ngayon, kung kalooban lamang ng anak ng may-ari na paalisin kayo, sabihin sa anak na kailangang makausap ng personal ang mismong may-ari sapagkat ang may-ari at ang mga magulang mo lamang ang may kontrata samakatuwid sa kanila lamang dapat manggaling kung dapat na bang putulin ang kontrata kahit na ito ay verbal at kinakailangan na may masidhing dahilan sa pagputol ng kontratang nabanggit. sana makatulong ito sa mga desisyon mo