Sir/Madam,
yung motor ko pong hinuhulugan ay nanakaw po, dalawa po kameng nakapangalan sa motor ng kapatid ko at nasa abroad po siya. bale napaalarma ko na din po sa HIGHWAY PATROL GROUP. ang problema ko po ay hindi na po namin mabayaran yung motor dahil nagkaproblema din sa trabaho yung kapatid ko at ako po ay studyante palang po. nakaka 4months palang po ang motor. may kakayahan po ba silang ipadeport po ang kapatid ko? nagaalala lang po kase ako dahil may pamilya na po yun. at ako po ang nakawala ng motor. ano po ang pwede nilang ikaso saamin? ano po ang dapat kong gawin?