Gusto ko sanang magpa-advice ano ang gagawin ko sa situation namin.
Bumili kami ng asawa ko ng lupa. Downpayment lang naibigay namin nang may nag squat sa lupang binili namin. Wala namang ginawa ang owner sa taong ito.
Nang kinonfront namin ang squatter, sabi niya wala kaming karapatan na mag fence sa lot kasi di raw kami fully paid. Ayaw rin niyang umalis at tinaniman niya ang lugar.
Tama ba ito? Anong rights namin bilang bumibili sa lupa. Anong kaso ang maaari naming ikaso sa kanya?
Salamat po.