itatanong ko lang po kung ano ang karapatan ko bilang isang nangungupahan. nag simula po akong mangupahan sa kanila nuong sept. 3 2011 sa ngaun ay naka 9 months na akong nangungupahan sa kanila. nag karoon po kami ng problema nong kinausap ko ang may ari ng bahay tungkol sa mga sira ng bahay na dapat ipa aus. tulad na lang na tumutulo ang tubig ulan sa mismong switch ng kuryente. pumayag naman siya pero dapat daw hati kami sa gastos. hindi po ba na dapat ang may ari ang mag pa asu nito dahilbago paman ako lumipat sa kanyang bahay ay sira na ito. nag kasundo kami na ibabawas na lamang sa upa ang gagastosin sa pag papagawa. umabot ng ilang bwan bago ko naipagawa ang tulo sa bahay. month of may ko na po ito napagawa, nag simula na po mag tag ulan at nalaman ko pong madaming tulo ang bahay kaya nag pasya akong umalis at lumipat na lamang ng bahay sa kadahilanang mahirap kausap ang may ari lalo na sa pera.
june 2 2012 nag text ako sa may ari at sinabi kong hindi na muna ako mag babayad ng renta dahil gagamitin ko na ang 1 month advance at 1 month deposit ko dhil aalis na ako. dahil may balance pa ako sa may ari na 900 pesos ang gusto nia mangyari ay umalis na ako ng june 3, 2012. kinabukasan agad nia akong pinapa alis. nanghingi aq ng karagdagang araw para makahanapng lilipatan, naki usap ako dahil may anak akong 3 taon at ako lamang mag isa dahil ang asawa ko ay nasa abroad. sinabi nia sakin na problema ko na daw iyon basta hanggang june 3, lang daw ako. kammi po ay may kontrata na pinirmahan ano po ba ang dapat kong gawin. hindi nia po pinagamit sakin ang 1 month advance at 1 month deposit ko. kung tutuusin ay dapt magamit ko dhil 900 lang nmn ang balance ko 4600 ang down payment ko sa kanya. kung aalis ako ng june 3 hindi ko makokonsumo ang 1 month advance 1 month deposit ko dhil papaalisin nia akong june 3 pati ang kuryente hindi ko makokonsumo na dapat un ay pang deposit. sana po ay matugunan nio agad ang aking liham.
lubos na gumagalang,
shara