Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

help po.. condo. unit..

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1help po.. condo. unit.. Empty help po.. condo. unit.. Tue Mar 09, 2010 10:59 pm

greeny


Arresto Menor

kasi po yung tatay ko na nag-pass away na po binenta yung unit namin sa kapatid ng kaibigan niya nung nag-pass away na po yung mama ko. php 300,000 or php 350,000 po ang napagkasunduang price, ayun po kasi ang nabayaran ng tatay ko sa pag-ibig. di bali po hindi pa po buong nabayaran iyon sa pag-ibig.. ginawa pong attorney-in-fact ng tatay ko yung kaibigan niya na kapatid nung bumili.. mayroon pong deed of sale pero wala po kaming kopya.. hindi ko lang po sure kung wala po akong pirma pati po yung ate ko na nag-pass away na din po.. yung kuya ko po ang sure na may pirma. yung pinagbentahan po namin, binenta yung unit sa iba.. ngayon po, nasa amin na po yung titulo.. tinatawagan po namin at tinetext yung kapatid nung napagbentahan namin pero wala po siyang sagot kasi po nagpapadagdag po kami ng pera para po matubos namin yung bahay naming nakasangla. nacontact ko po yung pinagbentahan ng kaibigan ni tatay at nakiusap pong siya na lang magbayad, pero ayaw pong pumayag. ang sabi ko po ibebenta na lang po namin yung unit. hindi daw po namin pwedeng gawin yun kasi po nasa kanila na yung susi at may kasulatan daw po sila nung nagbenta sa kanya. ang naaalala ko pong sinabi niya ay may kasulatan po sila nung nagbenta pero sa ibang unit po. at sabi ko po invalid na po yung deed of sale kasi wala na po yung tatay ko pero sabi niya po hindi daw po yun invalid at binding pa din daw po yung deed of sale kasi po naibigay na po nung pinagbentahan namin yung napagusapang pera.

questions:
1. ano po bang magandang o nararapat
gawin?
2. legal pa din po ba yung deed of sale maski po wala kaming pirma nung ate ko?
3. pwede po ba naming ibenta ang unit?
4. pwede po ba kaming magreklamo? at sino po ang dapat ireklamo?
5. pwede po ba kaming magpadagdag at kanino po dapat?
6. kung nakapirma po kaming lahat sa deed of sale, pwede pa din po ba kaming magpadagdag sa bayad?

salamat po..

2help po.. condo. unit.. Empty Re: help po.. condo. unit.. Tue Mar 16, 2010 1:49 pm

attybutterbean


moderator

1. Maaari ka munang magpadala ng demand letter sa nakabili ng property.

2. Maaari ninyong ipaglaban ang karapatan ninyo sa property kung ito ay conjugal property ng inyong ama at ina. Ibig sabihin, hindi lang ang iyong tatay ang may karapatan sa property dahil nang mamatay ang inyong ina, ang kalahati ng property na pagmamay-ari ng inyong ina ay paghahatian ng kanyang mga tagapagmana (tatay mo at kayong magkakapatid). Kung wala kayong pirma sa bentahan ay maaari ninyong sabihin na hindi kayo pumayag na ibenta ang parte ninyo sa nasabing property.

3. Bago ninyo ibenta ang unit sa iba ay mas mainam kung naayos mo na ang problema sa nakabili nito. Baka ikaw pa ang mademanda ng pagbebentahan mo kung sakaling itatago mo na may naunang buyer na ang property.

4. Puwede mong ireklamo ang pinagbentahan ng tatay mo at ang sumunod na nakabili ng property. Gaya ng sabi ko, maaari kang magpadala ng demand letter. Kung kayo ay nakatira sa iisang barangay o magkatabing barangay ay maaari mo ding idulog sa barangay ang iyong problema. Kung hindi kayo magkakasundo ay maaari ka ng magsampa ng reklamo sa korte.

5. Maaari kayong magpadagdag ng bayad sa pinagbentahan ng tatay mo o di kaya ay sa huling nakabili dahil hindi kayo nabigyan ng kaukulang bayad para sa parte ninyo sa property.

6. Sa aking palagay ay wala na kayong karapatan magpadagdag ng bayad kung nakapirma kayong lahat sa Deed of Sale. Ang inyong pagpirma ay maaaring mangahulugan ng inyong lubos na pagpayag sa halagang napagkasunduan at itong halagang ito ay sapat na kabayaran sa inyong lahat na pumirma sa Deed of Sale.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum