hi, gusto ko lang sana humingi ng advise regarding sa situation ko ngaun...almost 8 years ago, nagkaron po ako ng relasyon sa isang married man and nagkaron kami ng anak...after ko maipanganak ung bata, nakipaghiwalay na rin ako sa kanya at nawalan na rin kami ng communication although tina-try pa rin nia na kontakin ako thru our common friends...then, late last year, nagkaron uli kame ng constant communication, which ends up sa pagkakabalikan namen, and nung nangyari ung balikang un, almost 1 year na rin silang hiwalay ng asawa nia, na meron na ring kinakasamang iba (a lesbian actually)... kahit na nagkabalikan kami, hindi naman kami nagsama, nagkikita lang kami lalo na kapag pinapasyal nia ung anak namin... pero nung malaman ng asawa nia na nagkabalikan kami, dun na nag-start ung panggugulo ng asawa nia, panay ang text nia ng kung anu-anung pananakot pati tawag at wala ciang pinipiling oras…panay ang pananakot nia na ipakukulong nia kami at pagbabanta na wag na wag nia makikita ung anak namen… tapos minsan biglang magtetext na ok lang sa kanya na maging kami na since masaya na rin naman daw cia sa kinakasama nia at pababayaan na nia kami…nitong huli, bigla na namang nagtext at nangaaway na naman, at ang pinakamasamang nasabi nia ay papatayin nia talaga ang anak ko kapag nakita nia…dun na ako medio nag-worry..gusto ko sana ipa-blotter kaso hindi rin naming alam kung san ung exact address nia..ask ko lang sana kung pwede ko ba ciang kasuhan sa ginagawa niang panghaharass lalong lalo na ung ginawa niang pagbabanta sa anak ko… at kung kakasuhan nia kami, pwede po ba kaming makulong gaya ng pananakot nia? At isa pa po, me karapatan ba ang anak ko sa ama nia kahit na anak cia sa labas?
Thank you at sana ay mabigyan niyo ako ng payo…