Nung malaman niya na ikinasal na kami, masaya na naman raw siya para sa amin pero hindi na niya pinakita ang anak nila sa asawa ko. Ayun na nga, hindi na rin siya nanghingi ng support. Pero lagi pa din niyang banggit na kakasuhan niya ang asawa ko. Hindi na naman sila napag bigyan kasi gusto niyang ipa-birthday ang anak nila sa Jollibee pero walang maibigay ang asawa ko sa kanya. May kaya ang magulang ng asawa ko pero hindi ang asawa ko.
Ngayong taon, nakatanggap nang text message ang mother-inlaw ko na pagsabihan ako na tigilan ko na raw silang magina. Wala naman akong ginagawa sa kanila! May mga post raw ako sa Facebook/Instagram/Twitter na tungkol sa kanila. Tinignan ko naman yun pero wala naman! Hindi na pinansin ng mother-in-law ko ang text message niya. Pero heto nung last week lang po nagtext na naman sa asawa ko nang tthreat na kakasuhan siya ng abandonment at pagsabihan daw ako na tigilan siya kasi raw nananhimik na daw sila?! Eh wala naman akong ginagawa sa kanila. Hindi ko malaman anong problema niya. Siya pa nga yung grabe mang lait sa pagkatao ko. Hindi ko na lang pinapatulan out of respeto at sa ikakatahimik ng asawa/pamilya ko.
Alam ko madali lang mag file ng case kahit kanino. Ano po ba ang dapat namin gawin magasawa para tigilan na kami? Kasi kahit dati may binibigay na support sa kanya pero grabe ang mga masasakit na pananalita niya sa amin ng asawa ko. Gusto ko siyang kasuhan para manahimik na siya at tigilan na niya kami pero parang sa tingin ko mas lalong ga-grabe ang sitwasyon pag nagkataon.
Any advice?