I just want to ask for an advice o opinion on what is the best thing to do. My marriage from my ex wife has been annulled 2 years ago, pero we have been living seperately since 2003/2004 We have an 8 year old daughter now and i have been providing continious support even before our daugther was born. They have been living in my house so i can provide a roof for my daughter aside from the regular monthly support both in cash and in kind. Never akong nagdamot sa anak ko, basta kaya ng kinikita ko, binibigay ko. I get to visit my daughter weekly and go out malling or play or anything she wants to do.
The thing is, my ex has a habit na gawing sangkalan or dahilan yung anak namin every time we disagree on something. Late last year of 2012, nagkaroon ako ng baby boy sa iba, though we are not married. Bilang tatay, gusto ko magkakailala ng maayos yung magkapatid at lumaki ng walang sama ng loob sa isat isa. When i told my ex about our daughter’s half brother, (alam na rin ng daugther ko na may kapatid na sya and she was even excited na makita yung kapatid nya.) nung una okay lng pero iba na yung timpla nung nanay ng mga sumunod na araw. She started to demand more money, nanunumbat ng mga bagay na matagal ng tapos, kung anu ano na ang dinidikta tska ipinagbabawal atbp..
Pati yung oras ko ng dalaw sa anak ko apektado, sasabayan nila ng lakad kapag araw ng punta ko. Mukhang ayaw nya na magkita at mapagkilala ko yung magkapatid.
Can she legally do these things?
Pwede ba sya makialam kung gusto ko magkakilala yung dalawa kong anak?
Ano ang karapatan ko tungkol dun bilang tatay?
Pwede ba sya mag demand ng mas malaking suporta lalo na dalawa na ang anak ko?
Pwede ba akong magreklamo sa korte kapag pinagpatuloy nya yung kakademand at kakagawa ng paraan para di magkita ang dalawa kong anak?
Pwede ba ako magdemanda kasi nasisira nya yung oras ko para sa panganay ko na anak?
May karapatan ba ang dalawang anak ko na magkita at magkakilala?
Pasensya na po sa maraming tanong. Confused lang po kumg ano talaga ang rights ko.
Thanks and
God bless..
Last edited by m8rx on Wed May 09, 2012 4:38 pm; edited 1 time in total