Greetings po!
Meron pong farm land ang parents ko na ibinigay ng Department of Agrarian Reform noong 1988. Inalagaan at pinakinabangan po namin ang lupa na yon (1.7-hectare) hanggang sa tumanda at humina ang kalusugan ng tatay ko. Ngayon, ipinagkatiwala po ng magulang ko ang lupa na yon sa kapitbahay namin ng walang kasunduan (dahil na rin sa kalusugan ng tatay ko at para matulungan na rin sila), at pagkatapos po ng anim (6) na taon, nalaman na lang namin na gustong i-convert ng katiwala (kapitbahay) namin sa CAR program ang lupang yon. Sabi ng kapitbahay namin na meron daw po silang karapatan para gawin yun kasi sila naman daw ang nagpapakahirap sa kasalukuyan. Di po namin kasi maasikaso at maalagaan ang lupa simula nung tumanda ang tatay ko kasi nag-aaral po kami hanggang ngayon. Kaya kumuha na lang kami ng katiwala para at least mapakinabangan at matulungan na rin sila. Pero sa kabila ng lahat, meron pala silang balak na agawin ang lupang yun. Meron po ba silang legal na karapatan sa lupang yon? Ano po ang legal procedure na dapat naming gawin?
Meron po kasi kaming balak na isangla muna yung lupa at sabihin sa kapitbahay namin na nakasangla siya kya di pwede nilang galawin yun. Tama po na gawin namin yun? And if in case na gusto ulit namin sya ipagkatiwala pero sa kamag-anak namin, ano po kayang klaseng agreement ang pwede naming ibigay or gawin para at least nasa sa amin pa rin ang lupa at di kami mag-worry na baka agawin ulit sa amin yon?
Thanks po in advance and God bless!!!