Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

about land ownership

Go down  Message [Page 1 of 1]

1about land ownership Empty about land ownership Tue Jul 02, 2013 11:51 pm

eivel-ice


Arresto Menor

magandang araw po, ako po ay may katanungan lang tungkol sa property po namin.

ganito po kasi ang story. kami po dati, kasama lahat, mga tito ko, tita ko, pinsan, lolo at lola sa iisang bahay lamang. ng ibenta po ang bahay namin na iyon, napagkasunduan na lahat ng mga anak ng lolo at lola ko ay bibigyan ng tig 100k bilang parte nila.

ang tatay ko po ang pinakamahirap sa kanilang magkakapatid. yung iba ko pong tito, may sarili ng bahay at ang mga tita ko naman ay kasama sa bahay na bago ng mga lolo at lola ko.

dahil po ang tatay ko lang ang walang malilipatan, at alam ng lolo ko na wala pong mabibiling 100k worth lang na bahay, inutusan nya ang mga tita ko maghanap ng bahay at nakakuha po sila ng bahay na ito ngayun aming tinitirahan. ang halaga po nito dati 14 years ago, 300k.

ang tatay ko po kasi ay hiwalay sa aking nanay, legally married po sila, at di sila nagkaroon ng legal separation kaya ayaw ng tatay ko na sa kanya ito ipangalan, di din po pwede sa akin kasi wala pa ako sa legal age noong panahon na yun.

kaya po napunta ito sa pangalan ng isang tita ko. ang titulo po ay nakapangalan sa kanya.

ngayun po, kasi naging di maganda ang pagtira namin dito, naging magulo na at nais na po namin ng tatay ko ibenta ang bahay upang makabili na lang sa ibang lugar.

ngunit ayaw ng tita ko at ngayun, sinabi na nya na kanya daw po itong bahay, at kung ayaw na daw naming tirahan, maaari daw po kaming umalis na.

nagulat po ako kasi ang pagkakaalam ko, nakapangalan lang sa kanya ito pero either sa akin o sa tatay ko.

nakiusap po ako sa kanya kasi ako din po ay may pamilya na at gusto na namin ng tatay ko at ng pamilya ko na umalis sa lugar na ito ngunit ayaw nyang ako o ang tatay ko ang magbenta. naisip ko po na nais nya itong kamkamin para sa pamsarili lang nyang kapakanan. ang lolo po kasi namin ay patay na. at ang lola naman po namin ay hindi na makausap ng matino, bed ridden na kaya wala na pong maaaring magsalita ukol sa usapin. ang isa naman po naming tita ay ayaw makialam.

may magagawa po ba akong legal na paraan upang makuha ko at maipangalan sa akin ang lupa upang maibenta na namin ito? ang akin pong tatay ay ganun din ang iniisip at sa totoo lang, ayaw ko pong umabot pa sana sa kasuhan pero nais ko pong mabigyan ng hustisya ang di magandang ginawa ng aking tita sa amin.

maraming salamat po. sana po ay matulungan nyo ako kung anu ang maaaring gawin.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum