Ang Daddy po namin ay pumunta ng US ng 1992. Natagalan po bago sya nakakuha ng Green Card, sa pagkakaalam namin around 2002 or 2003 na sya nagkaroon ng Green Card. Around that time din po ung last time na umuwi sya dito sa amin. Nalaman po namin na nag-asawa na sya sa US at ikinasal din po sila (tatlong beses na syang nag-asawa doon). Nagpapadala naman po sya buwan-buwan, hindi rin naman po kalakihan. Alam din po namin na nagpapadala din po sya ng pera sa mga kapatid nya dito sa Pilipinas. Hindi na rin po sya nakikipag-communicate sa amin. Pag tinatawagan po namin sya, ung kapatid nya lang po dun ang kumakausap sa amin. Ayaw nya po makipag-usap sa amin. Until recently, nagulat po kami dahil 4,000pesos lang ang ipinadala nya sa mommy namin. Tinawagan po namin sya to check kung may problema ba dun. Laking gulat po namin dahil galit na galit sya sa amin at sinabing huling padala nya na raw un, at kung anu-anung kwento daw ang narinig nya mula sa mga kapatid nya dito tungkol sa amin. Short of saying, wala na syang pakialam sa amin. Nalaman din namin na umuwi sya ng Pilipinas nitong Marso lamang at ni hindi man lang ipinaalam sa amin.
Ito po ang mga tanong ko:
1. Maaari ba namin syang kasuhan ng Bigamy? Kung maaari, dito ba sa Pilipinas o doon sa US?
2. Paano namin sya mahihingan ng financial support para sa mommy namin?
3. May paraan ba para ma-revoke ang Green Card nya at mapa-deport sya, on the grounds of fraud, dahil pinalabas nyang Single sya kung kaya nakapag-asawa sya sa US? Papaano po ba ang proseso nun? Hindi namin alam kung Naturalized na sya.