Last January 2012 we started building our house and ngayon almost done na. Yung construction ng bahay namin nasa loob ng isang subdivision dito sa lugar namin and it is a corner lot with an area of 149 sq meter lang. So since medyo maliit lang yung area ginawan ng paraan ng foreman namin na magamit ang buong area and naka elevate yung bahay namin in preparation kung bahain although hindi naman binabaha yung area na yun. Yung Problema ko kasi is since elevated ung bahay namin yung labas ng garage papunta ng kalsada naka slope mga 35 degree ata from the road. Since naka slope yung area na yun ginawa namin sinimento yung area na yun para narin sana walang tutubong mga damo sa labas ng bahay namin at madaling linisin. Kaso nga lang pinuntahan kami ng purok chairman ng subdivision at sinabi na e hinto muna ang construction doon sa area na yun kasi meron raw nag reklamo na mga kapitbahay namin. Bakit raw na sinemento na hindi na kasali sa area namin at part na ng kalsada yun kung mga road extension na. So ginawa namin binaklas na naman yung na semento na part at iniwang naka tiwang wang. Ang tanong ko po is ganito. Wala ba kaming karapatan na e develop yung labas ng bahay namin para maging malinis tingnan. At kung epagpatuloy namin na e semento yung labas ng garahe namin yung doon sa road extension meron ba kaming nilabag na batas? Kasi most of the subdivision na nakikita ko sa ibang lugar yung mga garage nila naka semento hanggang sa tabi ng kalsada.
Sana mabigyan mo ako ng legal advice tungkol sa problema namin. Thank you and more power sa inyo.