Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

land and property rights of children having irresponsible father

Go down  Message [Page 1 of 1]

comet0810


Arresto Menor

Kung ang tatay po ng asawa ko ay nabibilang sa mga lalaking pwedeng kasuhan ng concubinage pero dahil sa ayaw ng mastress ng byanan kong babae, ayaw na nyang kasuhan ito. Ang lupa po na kinatitirikan ng bahay nila ay minana ng tatay nya sa lola nila. Pero yung kabuuan ng lupa ay ipinangalan ng lola nila sa panganay na anak. Bale sa tita po ng asawa ko. Ngayon, bago po namatay yung lola nya ay ipinamana daw po ng lola nila sa tatay nya yung lupang iyon. Not in a legal way and undocumented. Nakakaperwisyo na po kasi yung tatay nila. nakabuntis po ng minorde-edad at unti unting ginawang paupahan yung sala (pinaupahang pwesto ng karenderia) at kusina (ginawang kwarto at pinaupahan din). Yung pong nanay ng asawa ko ay nakabukod na ng tirahan. bale po ang asawa ko, ako, anak namin at yung kuya na lang po ang nakatira sa nasabing bahay. By the way po, yung lupa lang po ang sa tatay nya at ang bahay po ang nanay nila ang nagpagawa. Ngayon po, dun po sa paupa ng tatay ng asawa ko, wala po kaming napapala dun at ang tatay at kabit lang nya ang nakikinabang dun. pwede po bang ipalipat na ng pangalan sa asawa ko at kuya nya ang titulo ng lupang kinatitirikan ng bahay nila? Payag naman po na ang tita nila na ipatituluhan na yung lupang under sa pangalan ng asawa ko at mga kapatid nya since legitimate children sila. Pwede po bang sampahan ng kaso yung tatay ng asawa ko kung ang magsasampa ng kaso ay silang dalawa ng kuya nya? gusto po kasing ipaglaban ng magkaptid ang karapatan nila sa bahay na yun. Please advice me po sa mga pwedeng gawin ng asawa ko at ng kuya nya regarding this. kasi po unti unti ng kumakapal ang muka ng kabit nya, madalas pong pumupunta sa bahay at minsan dala pa yung anak nila. gusto na rin po kasi naming paalisin yung mga nagrerent sa bahay para po may space na kami for sala and kitchen. matagal na po kasi kaming nagtitiis sa ganitong sitwasyon. sana ay mapayuhan nyo po ako.

salamat ng marami.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum