Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Land Property Rights

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Land Property Rights Empty Land Property Rights Mon Jul 27, 2015 10:00 am

choiocampo


Arresto Menor

Magandang Araw po!

Nakatira po kami sa lupa na pagmamay-ari ng iba. Ang lupang ito ay pina bantayan sa aking mga magulang ng matagal na panahon sa pangakong bibigyan sila ng kaunting bahagi nito sa takdang panahon.

Lumipas po ang panahon at nag tayo na po ang may-ari ng kanilang tirahan sa nasabing lupa. Binigyan po ang aking mga magulang ng maliit na espasyo sa nasabing lupa upang tauyan ng sarili nilang tirahan.

Lumipas muli ang maraming taon at pumanaw na ang may-ari ng lupa at ang kanyang asawa ay nag desisyon na ibenta na ito at gusto nia na lisanin na namin ang aming tirahan.

Wala po kaming pinanghahawakan na papel na nagpapatunay na binigay na sa mga magulang ko ang parte ng lupang kinatatayuan ng aming maliit na tahanan. Hindi po kasi na sub-divide ang lupa para mabigyan kami ng sariling titulo.

May karapatan po ba kaming ipagtanggol ang aming paninirahan sa nasabing lupa?

Maraming salamat po. Mabuhay kayo!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum