Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

RIGHTS OF CHILDREN (LEGIT/ILLEGIT) TO LAND LEFT BY LATE FATHER

Go down  Message [Page 1 of 1]

jepa_1030


Arresto Menor

Good day po,

Tatlo po kami magkakapatid sa una na asawa ni Tatay, nagkahiwalay po sila ng Nanay ko nung maliliit pa kami kasi nagkaruon po ng ibang babae ang Tatay ko. Nagkaanak din po sila ng tatlo sa pangalawang asawa ni Tatay. Kasal po si Tatay sa una sa Mayor, yung pangalawa po hindi, nagsama lang sila. May lupa po ang Tatay ko na nakapangalan sa kanya, 7 hectares po yun. Maliliit pa po kami nuon kaya wala pa sa isip namin ang maghabol sa mga lupang naiwan nya. Namatay po si Tatay sa piling ng pangalawang asawa nya noong 1986, naiwan po ang titulo ng lupa sa kanyang pangalawang asawa. Dahil po wala namang interes ang pangalawang asawa sa lupang sinasaka nila pati mga anak nya sa una at pangalawa asawa.

Nagulat na lang po kami na nailipat na ng mga kapatid ng Tatay  ko sa pangalan nila ang 5.5 hectares ng lupang sakahin ni Tatay. Nailipat daw po ito noong 1994 samantalang 1986 namatay ang Tatay ko. Ang natitira na lang po na lupa naka name sa tatay ko ay 1.5 hectares na lang.

Ang tanong ko po:
1. Paano po kaya nailipat ng mga kapatid ni Tatay sa pangalan nila ang titulo, wala naman po pinipirmahan na deed of sale ang pangalawa at una asawa ni Tatay. May posibilidad po kaya na na forged nila pirma ni Tatay?

2. May karapatan pa po kaya kami mga anak nya sa una at pangalawang asawa sa lupa ni Tatay na naiwan at nailipat sa mga kapatid ang pangalan ng titulo? May laban po kaya kami kung ikakaso namin sa korte?

3. Ano po kaya ang unang step na gagawin namin para mabawi po ang lupain ni Tatay sa mga kapatid nya?

Malalaki na po kaming magkakapatid at nung pumunta po kami sa mga kapatid ni Tatay sinabi po sa amin na wala na lupa ang Tatay namin dun. Buhay pa po ang una at pangalawang asawa ni Tatay. Bale 6 po kami magkakapatid, tatlo po sa una at tatlo po sa pangalawa.

THank you po in advance sa advices.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum