May iniwan pong lupa yung lola ng papa ko para sa kanya. 5 po kasi silang magkakapatid tapos bunso po ang papa ko at nag iisang lalaki. Kahati nya po yung isang kapatid nya pero mas malaki po yung part ng papa ko. Yung mismong titulo po hindi ko po alam kung nakpangalan na sa papa ko. Narinig ko po khapon yung papa ko ilang beses nya tinanong sa ate nya kung kanino nakapangalan yung titulo ayaw po nila sumagot. Ilang taon na din po ang nakakalipas dapat po natayuan na yung lupa before pa po ikasal sina papa at mama. Tapos ngayon po may gustong bumili nung lupa. Di ko po maintindihan kung bakit yung mga tita ko yung kumakausap sa buyer without asking my father kung gusto nya ibenta yung lupa. Yun na lng po kasi yung natitira kasi inangkin na din po nila yung bahay na para sa papa ko. Nakatira nman po kmi sa bahay pero parang kami pa po ang nakikitira.
Sana po mabigyan nyo ako ng advice.
thank you po.