Hello, i'm new here, need ko lang po ng advice kung ano po ang mga steps na dapat ko pong gawin sa kotse ko po na nabangga ng isang jeepney driver. Ganito po yung nangyari, last night around 8pm po siguro yun, ok naman po yung weather, hindi nman po umuulan o traffic sa kahabaan ng mc arthur highway sa balibago angeles city pampanga sa tapat ng isang restaurant (Dainty) eh binangga po yung likod ng bumper ng car ko po ng isang jeepney driver habang naghihintay po ako na makapag park yung isa pong customer ng dainty sa tapat ng restaurant nila, kasi ganito po yun, pinara po ako ng security guard ng dainty para po makapagpark yung incomming customer nila sa tapat ng restaurant nung pagkapara ko po ay dali dali naman pong inassist ng security guard yung car ng customer nila na magpapark sa tapat ng restaurant nila, habang naghihintay po ako na makapagpark ng maayos yung kotse nung customer eh bigla nalang pong may narining akong kumalabog, pagtingin ko po ay nasira po ang bumper pati yung sa trunk po ng car ko dahil binangga po ako ng isang jeepney driver, ayun pagkatpos po nun ginawa ko eh naghanap po ako ng police na magaassist sa akin tapos nag sketch po siya nung scene tsaka po pinagawan po kami ng report sa munisipyo ng angeles, inadvice po ng police officer dun po sa munisipyo na mag usap daw po kami nung nakabangga kung sasagutin niya yung gastos, nagusap po kami nung nakabangga sabi naman po niya eh sasagutin daw po niya """pero sa kakilala daw po niyang mekaniko""" imbes na dun po sa kakilala kong mekaniko,
ASK ko lang po kung mas in favor po ba na yung nakabangga po yung magdecide kung san po dapat ipaggawa yung kotse? kasi po ang dahilan niya eh baka malaki daw po gastusin niya, ok naman po ako dun yun nga lang po ayaw kong iwanan yung sasakyan ko po kasi bka after a week or two niya pong magawa eh may Lumitaw na "Sira" yung kotse baka ako pa po mapagastos nito, at baka wala na po akong habol nun, ask ko lang po kung pwede po bang e insist po na epagawa yung kotse ko dun po sa mekaniko ko para safe po yung car ko, tapos kung hindi naman po pumayag yung nakabangga eh ano pong dapat na action ang aking gawin para mapilitan po yung nakabangga sa akin na ipaayos po dun sa mekaniko ko, magfifile na po ba ako ng demanda nun? kung ganon po mangyayari eh mabilis naman po ba yung kaso nun kung aminado naman po na mali yung driver na nakabangga saken?, help naman po lahat po ng legal hanggang umabot po sa korte kasi parang ayaw po ata nilang pumayag sa akin na ipagawa yung kotse ko sa mekaniko ko.