Magandang Hapon po, may gusto lang po akong i-consult, nagtratrabaho po ako dati sa isang high end realty corporation as procurement officer po, kaya lang nag-resigned na po ako, dahil hindi ko na po nagugustuhan ang ginagawa ng bago namin manager. Bago po ako umalis lahat ng mga request for payment para sa mga suppliers ko nagawa ko. Kaya lang po pinahold ng manager ko at yong iba ayaw pabayaran. Ngayon nakausap ko po yong isa sa mga supplier ko na hindi raw po siya mababayaran kasi nag-over pricing siya at pinalalabas ng manager ko na ako ay part doon. Lahat po ng mga binili ko ay laging may summary of canvass at approved ng dating director namin at ng island director, actually pagkatapos kung magawaan ng purchase order tinatawagan pa ng mga director yong supplier ko para humingi at magbigay ng discounts. Noong nawala na po ung dati kung director at may bagong pumalit hindi maganda ang naging samahan namin kung kaya ako ay nagresign. Nakausap ng bagong manager yong supplier ko na ang sabi nag-over pricing daw siya at pati po ako idinadawit. At ang sabi ng manager na kakasuhan daw kami ng over pricing, and to think taga gawa lang naman ako ng PO at lahat ng ginagawa ko ay may summary of canvass....ang sabi po kasi ng bagong manager doon sa supplier na gumawa ng sulat sa chairman na yong mga singilin daw po niya ay maging "peace offering" niya sa chairman namin at kakalimutan na daw ang lahat. Eh ang singilin po ng supplier ko ay almost 3 million or the plants na deliver niya together with the manpower na provide niya. At ang sabi pa po ay, palabasin niya sa letter niya na walang kinalaman ang dating director namin doon sa over pricing ng mga items at palabasin na kasalanan ko daw po at ako ang kakasuhan nila, natatakot po ako dahil hindi naman po ako ng ang nag-aapprove ng purchase order at ng summary of canvass ng mga supplier, sana po ay matulungan ninyo ako natatakot po ako...maraming salamat po.