Magandang Umaga po, hihingi po sana ako ng advice regarding sa plano ng kompanya na pinanggalingan ko, dahil magpa-file daw po sila ng Criminal Case for overpricing sa akin. Dati po akong procurement officer sa company na pinanggalingan ko, lahat po ng aking binibili ay may summary of canvass na approved ng manager ko at procurement director,pati na rin po ang island diirector,at tumatawag sila sa supplier ko para makahingin ng discount. At pagkatapos po gagawaan ko siya ng purchase order which subject for approval ng manager, procurement director at island director. Kapag ang amount ng PO is more than 1 million subject for approval ng chairman namin. Kapag ok na faxed ko na sa supplier ko. Kaya lang nang mawala na ang dating procurement director at may pumalit, hindi maganda ang aming naging samahan, at pinag-initan po ako. Dahil po dito, nagfile po ako ng resignation. Lahat po ng request for payment ng mga supplier ko nagawa ko bago po ako umalis ng kumpanya. Kaya lang po isa sa mga supplier na nakausap ko sabi niya sa akin hindi pa raw siya nababayaran at kinausap po siya ng bagong procurement director na ang sabi nag-overpricing daw po siya, at sabi pa po na kung gusto niya gumawa daw po siya ng sorry letter address sa chairman ng kompanya dahil sasampahan po siya ng kaso na overpricing,na ang sabi po ay, yong mga singilin daw po sa dati kung kumpanya ay gawing peace offering niya at palabasin sa letter niya na walang kinalaman yong dating procurement director dito at palalabasin na ako daw po ang may kasalanan at kakasuhan nila.Yong pong dati kung procurement director ay pamangkin ng chairman namin. Wala naman po akong nilabag na overpricing dahil lahat po ng binibili ko ay well documented with proper attachment. And to think po,hindi naman po ako ang nag-aapprove ng purchase order at yong mga nakatataas sa akin ang may karapatan magdesisyon kung aayunan nila ang aking summary of canvass. Ito pa po ang aking pinagtataka, bakit kung kailan maniningil na ang supplier at tsaka sasabihin ng bagong procurement director na nag-overpricing siya, ang reason niya nagpacanvass daw po siya kung kaya't nalaman niya nagkaroon ng over pricing..dapat sana noon pa..hindi kung kailan maniningil ang supplier at tsaka niya sasabihan ng overpricing sasampahan daw po ang supplier at ako ng criminal case....pinag-iinitan po talaga ako ng bagong procurement manager kahit wala na ako sa company na pinanggalingan ko.........sana po matulungan po ninyo ako sa aking problema..umaasa po ako..salamat po..